Episode 10 - Confused

1.1K 59 2
                                    

*Haru*

•••

   "Magdala ka ng damit mong pamalit bukas."

   Tatayo na sana ako at aalis nang magsalita si Rain.

   "Ha? Para saan?"

   "May ipapagawa ako sayo." Sagot niya na hindi inaalis ang paningin sa laptop na nakapatong sa coffee table.

   "Bakit kailangan ko pang magdala ng damit?"

   "Para hindi ka na umuwi kinabukasan, diretso na tayo sa office."

   "Anong para hindi na ako umuwi kinabukasan? Dito ako matutulog?" Takang-tanong ko.

   "Unless you want to spend the night in the hallway."

   "Ano ba'ng ipapagawa mo at kailangan ko pang dito matulog?" Nangako ako kay Ethan na hindi na ako matutulog dito ulit.

   "Ang dami mong tanong. Basta magdala ka na lang ng damit. Tapos."

   Nakayuko siya pero nakaangat ang mga mata sa akin kaya gusto ko man siyang ismiran ay pinigilan ko.

   Ano naman ang ipapagawa niya na kakailangan ko pang dito matulog?

   "Walang kasama sina Mama at ang kambal sa bahay."

   Nag-aalala rin talaga ako kay Mama at sa kambal na maiiwan sa bahay, pero dahilan ko lang rin iyon. Safe naman sa lugar namin at nabilhan ko na ng bagong kandado ang mga pinto at bintana ng bahay. Kaya hindi na ako gaanong nag-aalala gaya nang unang beses akong matulog dito.

   Saglit siyang tumitig sa akin bago muling ibalik sa screen ang mga paningin.

   "Fine. Ako na lang ang matutulog sa bahay mo."

   What? Nagbibiro ba siya?

   "Wala kang hihigaan do'n. Saka hindi ka makakatulog nang maayos."

   Hindi naman sa ikinahihiya ko ang bahay namin. Minsan na siyang napunta ro'n kaya alam na niya ang itsura ng bahay namin. Iyon nga lang ay dalawa lang ang kwarto. Isa kay Mama. At sa aming tatlo nina Junno at Jinn ang isa.

   Saka magiging komportable ba siya sa bahay namin? I mean, tingnan mo itong condo niya. Air-conditioned, carpeted ang sahig, may malambot at malaking kama. Sino ang hindi gustong matulog sa malambot na kama? Tiyak na hindi si Rain iyon.

   "I don't mind."

   "Gaano ba kasi kaimportante ang ipagagawa mo sa akin?" Muli kong tanong.

   "Mamili ka, dito o sa bahay mo?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay balik-tanong niya.

   Pfft. Hindi man lang niya inisip ang pag-aalala ko sa Mama ko at sa kambal.

   "Bahala na." Iyon ang naging sagot ko bago ako tuloy-tuloy na lumakad patungo sa pinto.

   "Sandali lang."

   Naitirik ko ang mga mata ko sa harap ng pinto.

  "Oh!" Halos padabog na sagot ko sabay lingon.

   "Ang kati ng likod ko, 'di ko abot."

   Pfft. Bumalik ako sa salas at tumabi sa kanya.

   "Talikod ka." Di ko napigilan ang pagsimangot.

   Sino ba naman kasi ang matutuwa, lahat na lang iniutos niya. Sulit na sulit ang binili niya sa aking mga damit ah!

   Tumalikod siya habang kandong ang laptop. Hindi ko masyadong nakita ang screen pero parang may nakita akong 3d models ng furnitures. Nagtatrabaho pa rin siya kahit nasa bahay na?

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon