Episode 12 - Almost A Kiss

993 52 1
                                    


*Haru*

   "Ahm. Upo ka."

   Iginiya ko siya sa kawayang sofa matapos kong ayusin ang lamesita sa gitna. Napapakagat-labi akong pinanood siya habang inililibot niya ang mga mata sa kabahayan.

   "Ah, gusto mo ba ng kape?" Kuha ko sa atensyon niya. "Ipagtitimpla kita. Sandali lang."

   "No, it's alright. Coffee is not my bestfriend. Acid reflux." Nakangiting sagot niya.

   Hindi naman ako mapakali dahil sa klase ng titig na iniuukol niya sa akin kaya napatango na kang ako.

   "Can I hug you?"

   "Ha?"

   Hindi pa ako nakakasagot ay ikinulong na niya ako sa mga bisig niya. Nag-iinit ang mga pisnging natigilan ako at nakatayo lang doon.

   Masarap iyon sa pakiramdam. Parang yakap ni Mama. Pero weird nang kaunti.

   "I've always wanted a sibling." Aniya matapos naming maghiwalay. Matapos niyang humiwalay dahil hindi naman ako yumakap. Nangangapa pa rin ako dahil sa sinabi niya na magkapatid kami.

   "And when our father told me about you I was ecstatic and eager to find you, Haru."

   "Ahm." Hindi ko alam ang sasabihin o itatanong. Ni ayaw gumana ng utak ko.

   Pero malinaw na malinaw na may pagkakahawig nga kami ni Ichiro. Mata, shape ng mukha, labi, at ilong.

   'Pwera sa height at body type.'

   Whatever.

   "I know you have a lot of questions in mind. So, let's sit and I'll tell you everything."

   Naupo ako sa single na upuan at siya naman ay sa mas mahaba.

   "Before anything else, how is my little brother?"

   Hindi ko matagalang tingnan ang nakangiti niyang mga mata. Kakaiba kasi sa pakiramdam ang kaalamang mayroon pala akong nakatatandang kapatid.

   At bakit ba siya Inggles nang Inggles?

   "Marunong ka bang mag-Tagalog?" Sa halip ay tanong ko. Pero hanga ako kung gaano siya katatas mag-English.

   "I understand Tagalog pero magsalita, konte lang." Natatawang nagmwestra pa siya gamit ang hintuturo at hinlalaki. "But I'm learning, because I'm planning on settling here. With you."

   "Anong... anong ibig mong sabihin?"

   "Well, I bought a house and it's too big for me. So, I want to share it with you."

   "Pero, may sarili akong pamilya."

   "You have a wife?"

   "No, ahm. Ang Mama ko at ang kapatid kong kambal."

   "Oh I see. Mariette Ariente."

   "Kilala mo ang Mama ko?"

   "Not really. Our father only mentioned some things about her before he passed and gave me a picture of her."

   Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

   "W-wala na..."

   "Yes." Malungkot siyang ngumiti. "And he made me promise to find you and ask you to forgive him. Will you forgive him?"

   Hindi ako ang klase ng tao na mapagtanim ng sama ng loob lalo na kung gayong wala na pala ang tatay namin.

   "Wala namang may gusto ng nangyari, kaya... sa tingin ko hindi naman kailangang humingi ng tawad sa akin ng tatay natin. Kung meron mang nasaktan bukod sa iyo at sa Mama mo, siguro si Mama 'yon."

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon