*Haru*
•••
"Kaya ayon. Tuwang-tuwa ako noong nakaalis ako." Saka ko sinabayan ng tawa.
"Psss. Kapag nakita ko yung Rain na 'yon yari sa akin 'yon." Ani Ethan saka gigil na kumagat ng mangga.
"Bakit naman? Saka kailan ka pa naging bayolente? Isawsaw mo kasi." Tukoy ko sa mangga nang malukot ang mukha niya.
"Eh kasi," Ngumuya muna siya saglit saka nilunok ang nasa bibig bago nagpatuloy. "Pinahirapan niya ang bestfriend ko. Ang cute-cute pa naman ng boo ko." Sabay pisil sa pisngi ko.
"Yuck!"
"Eww!"
Panabay na reaksyon ng kambal. Isinama namin sila. O mas tamang sabihing nagpumilit silang sumama.
Hindi naman kalayuan ang kubo na pinwestuhan namin. Dito namamahinga ang mga magsasaka sa panahon ng gawaan sa bukid. Sa 'di kalayuan naman ay mayroon fish pond na may nakahilerang mga puno ng mangga sa paligid.
Paborito ng kambal ang hilaw na mangga kaya naman nang mapansin nilang nagluluto si Mama ng bagoong na alamang ay hindi na sila lumayo sa tabi namin ni Ethan.
Kinagatan ko lang sila ng labi at hindi pinansin.
"Hmm. Ewan ko ba sa Dark Lord na 'yon. Parang pasan niya ang mundo."
"Ikaw naman kasi, ayaw mo pang tanggapin yung inaalok kong trabaho sayo. Eh 'di sana hindi mo na kailangang magpakahirap sa paghahanap ng trabaho. Saka, magkasama pa sana tayo sa America." Ani Ethan na umani ng masamang tingin mula sa kambal.
"Alam mo namang hindi ko kayang iwan sina Mama," saka ako bumaling sa kambal. "At ang dalawang makulit na 'to." Nakangiti kong ginulo ang buhok ni Junno dahil siya ang mas malapit sa akin.
Nakita ko pang palihim na dinilaan ni Jin si Ethan na ginantihan ni Ethan ng sundot sa tagiliran ng kapatid ko.
"Sana nga may kapatid din ako." Tila may lungkot na sabi ni Ethan. "Si Mommy busy sa kompanya. Si Daddy naman ayaw pang magretiro sa serbisyo."
"Kami." Sabi ko saka siya nginitian. "Di ba Kuya rin ang turing niyo kay Ethan?" Baling ko sa kambal na nagkibit-balikat lang at nagpatuloy sa pagkain ng mangga.
"Basta 'wag ka lang aagawin ni Kuya Ethan sa amin." Ani Junno na sinang-ayunan ni Jin ng pagtango.
"Yieee. So, love niyo ba si Kuya?" Tuksong tanong ko sa kanila.
Nagkunwari silang hindi ako narinig saka iniabot sa akin ang mangga. "Balat."
"Hmm." Kinuha ko ang dala naming kutsilyo at binalatan iyon. "Pwede mo naman kaming maging kapatid, Boo. Lalo na ako."
Nang hindi sumagot si Ethan ay nag-angat ako ng tingin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko nabasa dahil nag-iwas agad siya ng tingin.
•••
*Ethan*
Kapatid.
Sana lang higit pa roon ang kayang i-offer sa akin ni Haru.
Sa isang taon kong pananatili sa America ay wala akong nakilalang kagaya niya. Ang alam ni Haru ay tinulungan ko si Mommy sa kompanya namin. Pero hindi.
Hindi kailangan ng tulong ni Mommy dahil marami siyang business associates. Isa pa ay hindi ko hilig ang pagnenegosyo.
Lumayo lang ako dahil gusto kong burahin ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔
RomanceHaru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers. Being a responsible child and a loving brother to his twin siblings, he set aside his dreams to tend to his family's needs. Babysitter, gard...