*Haru*
•••
Hindi ko binibitawan ang phone ko habang nagsusuklay dahil kasalukuyan kong kausap si Ethan."Anong oras ang flight mo bukas?" Nasa Belgium siya ngayon at may dinaluhan silang art exhibit ng mentor niya nang nakaraang araw. Bukas ay babalik na siya sa America.
Umayos siya ng higa paharap sa lamp shade habang yakap ang unan at naghikab. "Mamayang seven ng umaga."
"Bakit hindi ka pa matulog? Anong oras na ba r'yan?"
"Twelve-five ng hating-gabi. Mayamaya, gusto kitang makitang gumayak eh. Saka bakit nga pala hindi mo sinasagot yung tawag ko?" Namumungay ang mga matang inayos niya ang unan hanggang sa matago ang kanyang mga labi.
Halatang pinipigilan lang niya ang antok.
"Nasira yung cellphone ko. Pero okay na ngayon, binilhan ako ng boss ko ng bago." Inilapag ko ang phone ko sa tokador paharap sa akin, saka ako nagsuot ng kulay pink na polo na hanggang siko ang haba, at ang ladlaran naman ay pa-round sa halip na diretso lang. Nagustuhan ko ang maputlang kulay niyon kaya binili ko noong nakaraang linggo.
Hindi ko muna isusuot ang mga binili ni Rain. Ayoko kasing nagsusuot ng bago. Saka baka isipin ng Dark Lord ay masyado akong excited sa mga pinamili niya.
"Bakit ka binilhan ng boss mo? Lalaki ba 'yon?" Kunot-noong tanong niya.
Parang hindi naman magkatugma ang mga tanong niya?
"Oo, lalaki." Saka ko ikinuwento ang mga pangyayari kung bakit nasira ang phone ko.
"Doon ka natulog? Magkatabi ba kayo?" Lalong nalukot ang kanyang mukha saka bumangon para maupo. Naalala ko tuloy si Ada. Pareho sila ng tanong.
"Oo at hindi. Lalaki siya, at hindi kami magkatabi." Pinagpag ko ang invisible na alikabok sa dibdib ng suot kong polo at ngumiti sa salamin. "Alanganing oras na kasi iyon, nakakatakot na sa daan, kaya nagpalipas na lang ako roon ng gabi."
"Well, next time 'wag mo na siyang sasamahang uminom baka sa susunod may gawin nang kalokohan sa'yo 'yung DOM na iyon." Seryoso niyang sabi na nakapagpatawa sa akin.
"Anong DOM? Dalawa o tatlong taon lang ang tanda no'n sa akin." Saka ako natatawang nanuklay. "Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Ang mabuti pa mamahinga ka na." Nilapitan ko ang phone at kinuha iyon saka naupo sa kama. "Ang pungay na ng mata mo oh."
"See? Mas lalong dapat na umiwas ka sa lalaking 'yon. Nasa edad pa siya ng kapusukan." Pambabalewala niya sa sinabi ko.
"Eh di mapusok ka rin? Halos magkasing-edad lang kayo eh." Nakangisi kong sabi.
"Hindi iyon ang point. Basta 'wag ka nang matutulog sa condo ng lalaking 'yon. Wala akong tiwala sa kanya." Muli siyang nahiga at naghikab nang mahaba. "Mangako ka, boo." Wika niya kahit hindi pa tapos sa paghihikab.
"Oo. Hindi na. Matulog ka na. Maaga ka pa bukas. Aalis na rin ako."
"Nami-miss na kita, boo." Sa halip ay sabi niya.
"Miss na rin kita. Pero tiyagaan mo na, para sayo rin naman yan." Ilang beses na kasi niyang nabanggit na gusto na niyang umuwi at nanghihinayang ako dahil magandang opportunity iyon para makilala siya sa mundo ng sining. "Magandang experience 'yan. Kapag natapos mo 'yang apprenticeship mo pwede ka nang mag-solo, siguradong maraming magkakainteres sa mga gawa mo."
"Hmm. Male-late ka na ba?"
Saglit akong tumingin sa orasan sa taas ng phone. "Hindi pa naman, medyo maaga pa. Makakapag-deliver pa ako nga ako ng dyaryo eh."
BINABASA MO ANG
SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔
RomanceHaru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers. Being a responsible child and a loving brother to his twin siblings, he set aside his dreams to tend to his family's needs. Babysitter, gard...