*Haru*
•••
"Oh ito. Ilang araw lang nagamit ni Banjo 'yan. Ayaw na raw niya niyan. Mahirap daw pala ang de-keypad. Ang lakas mag-inarte no'n, hindi naman kagwapuhan. Tse!" Ani Marie saka iniabot sa akin ang cellphone.
"Sus, kundi ko pa alam, crush mo rin si Banjo." Tukso ko sa kanya na nakapagpapula ng pisngi niya. Binigay ko ang bayad na inilagay niya sa malaki niyang pouch.
"Tse! Umalis ka na nga, baka mamaya malasin pa ako, dumating pa yung ungas na--"
"Good morning, beautiful!"
"Speaking op da debil." Nakatirik ang matang sabi ni Marie pero hindi naman niya maitago ang ningning ng mga iyon sa pagdating ni Banjo. "Oh ang aga aga magbababad ka na naman dito. Wala ka bang gagawin sa inyo?"
"Sungit naman nito. Marami naman kaming katulong sa bahay. Good morning, Japboy." Baling ni Banjo sa akin. "Okay ba yung phone? Ay teka," dumukot siya sa bulsa. "Eto nga pala yung charger niyan, iaabot ko sana kay bebe labs eh nandito ka naman na pala."
"Ah. Magkano 'to?" Tanong ko saka ko kinuha ang charger.
"Libre na lang yan. Di ko rin naman magagamit 'yan eh."
"Wow naman. Thank you Banj ah? Iba talaga 'pag richkid." Biro ko sa kanya.
"Naman. Ito lang si Marie eh, ayaw pa akong pakasalan. Kayang kaya kitang buhayin bebe labs." Eksaheradong ngumiti nang simpatiko si Banjo saka kumindat sa nagba-blush na si Marie.
Hindi ko rin maintindihan kay Banjo kung bakit bumabayad pa siya sa paggamit ng internet samantalang may-kaya naman ang pamilya niya at siguradong meron silang WiFi sa bahay. Baka gusto niya talaga si Marie?
"Hmp. Tse! Bakit, patay ba ako at bubuhayin mo 'ko?"
"Bebe labs naman."
"Ah, maiwan ko na kayo ha? Ituloy niyo lang yang ka-sweet-an niyo." Natatawa kong paalam sa kanila.
"Oo. Akong bahala sa kaibigan mo, Japboy."
"Salamat sa charger, Banj."
"No Froblem." Pagpapatawa niya.
"'Bye Marie. Sagutin mo na si Banj."
"Tse!"
Actually ay bagay sila. Iyon nga lang itong Banjo ay masyadong happy-go-lucky. Siguro ay dahil magaan ang buhay niya at bata pa. Si Marie naman ay hindi materialistic. At ang gusto niya sa lalaki ay responsable, at "fafable" ayon sa kanya. Gwapo rin naman si Banjo, iyon nga lang ay wala pang direksyon ang buhay kaya siguro ayaw sagutin ni Marie.
"Hmm. Bahala na sila." Nanhingiti kong bulong habang pauwi.
•••
"Are you serious about your job?"
"Yes, sir. Sorry po, tinuruan ko lang po si Mama na gumamit---."
Agad tumalikod ang Dark Lord at tinungo ang kotse na hindi man lang ako pinakinggan.
"ng cellphone kaya ako na late." Papahina ang boses na dugtong ko na alam kong hindi niya narinig. "Pfft."
Akala ko naman kasi ay wala siyang pasok dahil Sabado. Saka sino ba ang nasa opisina kapag Sabado? Apparently, si Rain.
Saka sinabi ko naman sa kanya na abisuhan niya ako nang mas maaga kapag may lakad siya para 'di ako ma-late. Na hindi niya ginawa. Akala ba niya ako si Superman na agad agad darating kapag kailangan niya?
BINABASA MO ANG
SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔
RomanceHaru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers. Being a responsible child and a loving brother to his twin siblings, he set aside his dreams to tend to his family's needs. Babysitter, gard...