*Haru*
•••
"Hmm."
May kung anong gumagapang sa labi ko. Hindi. Mali. Humahaplos ang tamang salita.
Mainit iyon at magaan.
Nang magdilat ako ng mga mata ay wala naman akong namulatan. Siguro ay nananaginip lang ako.
Tumihaya ako at nag-inat saka ko sinilip ang relo ko.
Saglit lang pala akong nakatulog.
Buti na lang hindi pa lumalabas si Rain.
"I see you feel at home here."
Marahas akong napalingon sa nagsalita.
Shems! Kanina pa ba siya roon?
"Ah. Sorry, i-inantok lang ako. T-tutuloy na rin ako."
Nakatulog din ba siya? Medyo namumula ang mata at ilong niya. O baka umiyak?
"Okay ka lang ba?"
Humalukipkip siya at sumandal sa gilid ng pinto ng balkonahe at tumingin sa akin.
"Tinanong mo na 'yan kanina, paulit-ulit ka. Do I look like I'm not okay?"
"Malungkot ka kasi kanina, ngayon naman namamaga ang mata mo. Ahm, umiyak ka ba?"
Silly question. Pero hindi ko napigilang itanong pa rin. Hindi ko alam, siguro gusto ko lang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
And why is that?
Hindi ko nga alam, 'di ba?
"You're too nosy, you know that? Real men don't cry, and it's none of your business." Tila iritadong pakli niya.
"Pfft! Pasensya na, ha, kung concerned ako sayo! Sige lang, magmukmok kang mag-isa." Sinabayan ko iyon ng tayo at talikod, at diretsong tinungo ang pinto.
Ako na nga itong nag-aalala sa kanya siya pa ang nagsusungit. Eh ano naman, kung mag-isa siya?
"Sandali."
Nabitin sa ere ang kamay ko para pihitin ang doorknob.
"Ano? Ngayon pipigilan mo akong umalis? Bakit? Na-realize mo na bang hindi ako nakikialam at nag-aalala lang sa'yo?" Naiirita akong lumingon sa kanya.
"No. Naiwan mo 'to." Bahagya niyang itinaas sa ere ang paper bag na may lamang sapatos.
Napapahiya akong sumimangot at lumapit sa kanya saka padabog na kinuha ang paperbag.
"Salamat." Paingos na sabi ko saka ko muling tinungo ang pinto at lumabas.
Pfft. Akala ko pa naman magso-sorry siya sa kagaspangan ng ugali niya. Sabagay, sino ba naman ang niloloko ko? Eh ni hindi nga niya alam ang salitang iyon.
May 'real men don't cry' pa siyang nalalaman. Bakit? Pag-umiyak ba ang lalaki hindi na sila pwedeng tawaging tunay na lalaki?
"Excuse me."
Bahagya akong nagulat at napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Hi. Is Rain inside?" Nakangiting patuloy ng babae.
Napakaganda niya. Matangkad, tamang kurba ng katawan na nasusuotan ng napaka-seductive na pulang dress, humahakab iyon sa magandang hubog ng maliit niyang beywang at malapad na balakang. Maamong mukha na binagayan ng mahaba at unat na itim na buhok. Kung gaano kaitim ang buhok niya ay siya namang puti at kinis ng balat niya. Para iyong masusugatan ng kahit magaan na dampi lang ng papel.
BINABASA MO ANG
SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔
RomanceHaru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers. Being a responsible child and a loving brother to his twin siblings, he set aside his dreams to tend to his family's needs. Babysitter, gard...