Bayang sinilangan, kay gandang pagmasdan
Tulad ito ng Asul na kalangitan
Tanawin ay may likas na kagandahan
Hinahangaan ng ibang mga dayuhanHubog ng Pinas, ay kagandahang likas
Tila bulaklak ang kaniyang balangkas
Unti-unting nalalanta at kumukupas
Ang tao ang dahilan ng pag wawakasSila, kayo, kami, tayo pati ako
Tayong nilalang ang suliranin nito
Iba't ibang bansa ay nagkakagulo
Ang dahilan ng pagkasira ng mundoIhip ng hangin, pagsayaw ng mga puno
Kasabay ng kabundukang gumuho
Mga sakuna na nararanasan nito
Lahat ay bunga ng kapabayaan moAting mga matatayog na kapunuan
Ang mga malilinis na kapaligiran
Pati ang ibong nag aawitan
Ay hindi na ramdam at masisilayanAting mga yaman ay muling pagyamanin
Bansa natin ay muli nating buhayin
Pagkakaisa atin ng palakasin
Ang Pilipinas ay atin ng unahin.A/N: Apat na taludturan at anim na saknong.