1

1.2K 11 0
                                    

❝ U N T I T L E D ❞

Mga araw na ika'y aking kasama
Panahon na ika'y aking napapasaya
Mga bagay na ako lang ang nakakagawa
Sa pilling ko ikaw ay masaya .

Ngunit tila may mali at kakaiba
Sa tuwing ika'y aking kasama at kausap
Subalit sya ang iyong nasa isip
at ito ako umaasa na sana ito'y isang panaginip.

Ang sabi mo noon 'Mahal ikaw lang at walang iba'
Ngunit ang 'yong sinabi ay tila nawala
Sa iyong matatamis na salita ako'y naniwala
Ngunit ang lahat ay isa lamang salita.

Pangarap na atin binuo
Ngayo'y di na mabubuo
Dahil iyong iniwang sugatan ang aking puso
Siguro nga ito na ang katapusan at dulo.

Mahal, pinapalaya na kita
Hindi dahil sinusukuan na kita
Kundi ang ating pagmamahalan ay wakas at wala na
Pinapalaya na kita dahil sa pilinh nya ika'y sasaya.

Mahal, ayaw ko man ngunit kailangan
Dahil sa ating relasyon ako na lang ang lumalaban
Relasyon na ating binuo, ngayon aking winawakasan
Mahal kita ngunit sya ang iyong mahal
Masakit man ngunit, Malaya ka na.

Koleksyon Ng Mga Tula [ E D I T I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon