Bayang Kupas

2.4K 22 4
                                    

Bayang sinilangan, kay gandang pagmasdan
Tulad ito ng Asul na kalangitan
Tanawin ay may likas na kagandahan
Hinahangaan ng ibang mga dayuhan

Hubog ng Pinas, ay kagandahang likas
Tila bulaklak ang kaniyang balangkas
Unti-unting nalalanta at kumukupas
Ang tao ang dahilan ng pag wawakas

Sila, kayo, kami, tayo pati ako
Tayong nilalang ang suliranin nito
Iba't ibang bansa ay nagkakagulo
Ang dahilan ng pagkasira ng mundo

Ihip ng hangin, pagsayaw ng mga puno
Kasabay ng kabundukang gumuho
Mga sakuna na nararanasan nito
Lahat ay bunga ng kapabayaan mo

Ating mga matatayog na kapunuan
Ang mga malilinis na kapaligiran
Pati ang ibong nag aawitan
Ay hindi na ramdam at masisilayan

Ating mga yaman ay muling pagyamanin
Bansa natin ay muli nating buhayin
Pagkakaisa atin ng palakasin
Ang Pilipinas ay atin ng unahin.






A/N: Apat na taludturan at anim na saknong.

Koleksyon Ng Mga Tula [ E D I T I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon