❝ K a h a l a y a n ❞Tawag ng 'yong laman
Ako'y iyong pinagparausan
Iyong kalibugan
Hindi mapigilanBuhay ko'y iyong sinira
Iyong kababuyang ginawa
Hanggang ngayo'y aking naalala
Dala hanggang sa pagtandaWalang nagawa
Kundi ngumawa
Makikinang na mata
Ngayo'y lumuluhaWalang ibang pangarap
Hustisya'y matanggap
Nang aking malasap
Buhay ay kay sarap