12

678 8 1
                                    

" U N T I T L E D "

Mukha mong kay gandang pagmasdan
Hindi maalis sa aking isipan
Sa pagtulog ika'y aking napapanaginipan
Tibok ng puso'y hindi mapigilan

Hindi ko lubos na maisip
Kung paano mo nasagip
Ang puso kong nadala, nang hangin ay umihip
Kaya't ikaw ang pinapantasya hanggang sa panaginip

Tila isang himala
Ang pagdating mo sa buhay ko nang walang alintana
Isa kang malaking biyaya
Na kahit kanino'y hindi ko kayang ipaubaya

Mula umpisa hanggang wakas
Sayo ay walang kayang humigit o lumagpas
Sa bawat araw na lumilipas
Sa puso ko pangalan mo ang bumabakas

Ako'y iyong lubusang mahalin
Landas natin ay ating pag-isahin
Sino ma'y hindi kayang pigilin
Pagmamahalan nati'y hindi kayang puksain.


A/N: Hey Guys!  Sana nagustuhan ninyo ang mga tula ko. Pls do support my stories :<

Koleksyon Ng Mga Tula [ E D I T I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon