❝ K a i b i g a n ❞
Ako'y iyong kaibigan
Iyong masasandalan
Sa oras ng pangangailangan
Hinding-hindi ka iiwanSa iyakan at tawanan
Ika'y aking sasamahan
Sa iyong kadramahan
Ika'y aking papakingganNung ika'y aking kailangan
Para tayong nagtatago-taguan
Ako iyong kinalimutan
Sa oras ng aking pangangailanganAko'y iyong kaibigan
Sa tuwing ika'y may kailangan
Ako'y iyong kinakalimutan
Sa oras na ika'y aking kailanganHuwag mo na akong kaibiganin
Kung ako'y iyo lamang kakailanganin
Pag may dumating na suliranin
Huwag mo na akong kakausapin.