14

270 3 0
                                    

" PAGBABALIK "

Sa iyong pag-alis
Ako ay nasaktan mo nang labis
Hindi na muling makikita ang yong wangis
Sapagkat iba na ang iyong ninanais

Sa iyong pagbabalik
Ako'y sayo ay lalong nanabik
Nais na madama muli ang iyong matamis na halik
Nararamdaman ay muling nanumbalik

Sa iyong pagbalik, umaasang ako parin ang hinahanap ng puso mo
Ngunit sa iba na pala umiikot ang mundo mo
Sabi mo tayo hanggang dulo
Akala ko 'tayo' lang pero meron palang 'kayo'

At ako ay nagising sa katotohanan
Matagal mo na nga pala akong iniwan
Dahil hindi mo na ako babalikan
Pagkat iba na ang iyong pinapangakuan.

Koleksyon Ng Mga Tula [ E D I T I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon