Wika ng Pagsasaliksik

1.5K 17 5
                                    

Ang ating wika'y daig pa ang mga ginto
Hindi kayang higitan ng kahit ano
Sanggang dikit na ng mga buhay ninyo
Nananalaytay ang dugong Pilipino

Tagalog ang ating pangunahing wika
Nahaluan na ng salitang banyaga
Mga wika'y pinagsawalang bahala
Atin nang hindi nabigyan ng halaga

Dati nating Pangulo ang nagdeklara
Manuel L. Quezon ang siyang nagpamana
Upang maintindihan ang isa't isa
Nais niyang atin nang bigyang halaga

Wika ay isa sa ating mga yaman
Subalit atin ng nakakalimutan
Sa dami ng wikang ating natuklasan
Tignan mo! Wika'y nababalewala na

Ang mga bayani'y nakipag sapalaran
Para sa kalayaan ng Inang Bayan
Ito ay atin ng nakakalimutan
Bunga ng moderno't bagong kaalaman

Ating Inang Bayan ay lumuluha na
Gising na! Tayo'y nagiging pabaya na
Ating pahalgahan sa'tiy pamana
Tangkilikin ang ating sariling wika.




A/N: labing-dalawa ang bilang, Apat na taludturan at anim na saknong. Ito yung ginamit ko sa contest sa school nong buwan ng wika.


Koleksyon Ng Mga Tula [ E D I T I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon