❝ K a s a k i m a n ❞Mga bansa'y nag-aagawan
Sa di malamang dahilan
Hindi magka-unawaan
Dinadaan sa sakitanWalang hanggang awayan
Puro bangayan
Nauwi sa gerahan
Tao'y nagkapatayanBaket pa magpapatayan
Kung pwede namang pag-usapan
Ating pagkasunduan
Ikakabuti ng ating lipunanTayo'y magbigayan
Sa likas na yaman
Sa atin pinagkalooban
Nang Amang kataas-taasan.