Mich's P.O.V;
"Ok class, may naka-perfect ba sa long quiz n'yo?!" tanong ni Mr. Gueveras napaka assumero talaga nitong lalakeng 'to eh ang hirap kaya ng mga questions mabuti nga at naka 98 pa ako eh ang hirap kaya no'n mabuti nga at dalawa lang ang mali ko...
"Wala po sir eh------pero may naka-98 po..." nakangising sabi ni Shiela...
"Ok lang 'yon dalawa lang naman ang mali.... Kanino ba 'yan?!" tanong n'ya kay Sheila imbes naman na sumagot ay ngumisi muna si Shiela saka humarap sa akin....
"Si Mich po sir, sino pa ba?!" pabirong tanong ni Shiela kay Mr. Gueveras kaya naman ngumiti na rin lang sa kanya si Mr. Gueveras sa kanya sabay sulyap sa akin...
"Congrats Mich, ikaw na naman pala ang highest hahaha..." masayang bati n'ya sa akin ngumiti na rin lang ako sa kanya bilang sagot saka nag-iwas ng tingin at nagbasa na lang ulit ng story sa library ko...
"Ok pass your papers forward... Then make it fast... Pwede na kayong mag-recess..." sabi ni Mr. Gueveras sabay punta sa table n'ya sa likod...
Niligpit ko na ang lahat kong gamit at ang dinala ko lang ay ang cellphone ko dahil magbabasa ako mamaya sa canteen habang kumakain... Tatayo na sana ako ng bigla na pang akong higitin ni Shiela papunta sa pintuan ng------
"Mich pwedeng mag-usap muna tayo?!" seryosong tanong ni Mr. Geuveras kaya naman napalunok pa ako saka mabilis na tumango sa kanya sinulyapan n'ya naman muna ako saka tumingin ng seryoso kay Shiela...
"Shiela pwede bang iwan mo na muna kami may sasabihin lang akong mahalaga kay Mich..." seryoso pa ring utos ni Mr. Gueveras kay Shiela dahilan para mabilis n'ya akong bitiwan sa pagkakahawak n'ya sa kamay ko at mabilis na tumakbo palabas sa rooom...
"Anong pag-uusapan natin?!" malamig na tanong ko na pawang walang kwenta ang kausap at sasabihin n'ya sa akin nawala naman ang nakakatakot na seryosong muka n'ya kanina at napalitan ng maamong muka kaya bahagya pang nangunot ang noo ko...
"About sa nangyari last time..." panimula n'ya sa sasabihin n'ya sa akin... Kaya naman imbes na sumagot ako ay napasinghap na lang ako ng hangin dahil sa naalala kong kabalbalang ginawa ng dalawa...
"'Wag kang 'mag-alala' Mr. Gueveras 'di ko naman ipagkakalat 'yong 'nakita ko' eh... Kita mo naman atang wala naman akong masyadong kinakausap dito sa School hindi ba?!" 'di ko na talaga naitago pa ang inis at pagiging sarkastiko dahil sa naaalala kong pinaggagawa nila mga bwisit....
"H-Hindi n-naman ako n-nag-aalala don eh...." mautal-utal na sagot n'ya at bahagya pa s'yang namula dahil sa sagot n'ya...
BINABASA MO ANG
"I Fell In Love With My Teacher"
Teen FictionNaranasan nyo na bang ma-inlove?, Ano ang gagawin mo kung dumating ang araw na ma-inlove ka ay sa taong di kayo pwedeng maging?, Itutuloy mo pa ba ang nararamdaman mo para sa kanya? Ako si Michelle Valdez, nag-aaral sa isang simple pero maganda at s...