Chapter twenty one: 📮📄INVITED📄📮

282 6 3
                                    

Mr. Gueveras POV;

Akala ko talaga kanina galit si Mich mabuti na lang pala talaga hindi, kinabahan ako kanina kasi yong una n'yang expression parang naiinis, naiirita, o nagagalit kaya nakaramdam ako ng kaba mabuti na nga lang at hindi s'ya nagalit hehehe...

Nang umalis na si Mich ay pumasok na rin muna ako sa room kasi ilalagay ko pa yong mga gamit ko sa table bago ako pupunta sa canteen para kumain.... Nang mailagay ko na ang aking mga gamit ay nagmadali na akong pumunta sa canteen agad namang hinanap ng aking mga mata si Mich... Nang maganap ko na ang hinahanap ng aking mga mata ay agad na akong pumila sa line para maka-order matapos kong um-order ay pumunta na agad ako sa table nila para makasama ko s'ya sa pagkain...

"Ahmmm hi Mich... Pwedeng maki-share sa table n'yo?!" kabadong tanong ko sa kanya pero agad namang nawala yon ng tumango s'ya at ngumiti bilang tugon sa aking tanong...

"Naku Sir ikaw pa po ba?!, Naku ok na ok nga po yon eh hehehe..." ngiting-ngiting sagot ni Sheila sa akin kaya naman mabilis na inilagay ko na ang aking order na pagkain at inumin sa table at umupo na ako sa tapat ni Mich...

"Ahmmm Mich ano na nga ulit yong topic natin kanina?!" tanong ni Sheila kay Mich kaya naman bahagyang natigilan si Mich sa pagsubo...

"Hindi ko tanda eh hehehe... Hindi naman kasi ako masyadong nakakapakinig sa sinasabi mo kanina hehehe..." natatawang sagot naman ni Mich kay Sheila kaya si Sheila naman bahagya pang napa-pout hahaha...

"Alam mo ikaw Mich para kang hindi kaibigan d'yan eh magtatampo na talaga ako sa'yo n'yan eh..." naka-pout paring sabi ni Sheila kay Mich...

"'Wag ka nga d'yang parang bata may teacher tayong kasama oh 'di ka manlang na hiya..." seryosong saway ni Mich kay Sheila...

"Naku Mich ok lang yan kay Sir... Diba po Sir?!" parang batang tanong ni Sheila sa akin kaya naman tumingin sa akin si Mich para malaman ang sagot ko kaya tumango na lamang ako saka ngumiti sa kanya bilang tugon sa kanyang tanong hahaha ang awkward naman...

"Oh diba?!, sabi ko sayo eh..." pahabol pa ni Sheila kay Mich... "Ay oo nga pala Mich naalala ko na yong topic natin kanina... Ang topic natin kanina eh yong nalalapit mong birthday sa sabado----malapit na kasi eh thursday na kasi ngayon Mich sa sabado na yon eh..." mahabang litanya ni Sheila----hala birthday na pala ni Mich sa Sabado hindi manlang n'ya nabanggit sa akin mabuti na lang nabanggit ni Sheila...

"I Fell In Love With My Teacher"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon