CHAPTER TWENTY TWO

110 1 0
                                    

Mich's P.O.V:

"Ang cute mo pala kapag nagba-blush ka hahaha..." hindi ako nakaimik ng sabihin sa akin 'yon ni Ace ng may halong pang-aasar at bahagya pang nakangisi kaya't imbes na magsalita ay nanlaki na lamang ng bahagya ang mga mata ko dahil sa mga katagang 'yon...

"Ommmooo!, bagay talaga kayo Mich, bagay na bagay kayo ni Sir Ace..." patiling turan ni Sheila kaya't mas lalo pang nanlaki ang aking mga mara dahil baka may makarinig sa amin mabuti na lamang at para namang walang nakarinig dahil halos lahat ay busy sa kani-kanilang pag-uusap studyante man o teacher kaya ng masiguradong Wala namang nakarinig ay bahagya akong nagpakawala ng buntong hininga...

                        *Relief*

"Alam mo ikaw Sheila mas ok kung itatahimik mo na lang 'yang bibig mo kasi dapat may zipper 'yan eh para hindi basta-basta nakakapagsalita ng kung ano-ano..." may pagkainis sa aking boses sa mga binitawang salita...

"Uy baka naman mag-away pa kayong dalawa d'yan ah..." may pagkatarantang usal ni Ace na naitaas pa ng bahagya ang kan'yang kamay na wari mo'y suko na s'ya...

"Huwag ho kayong mag-alala Mr. Gueveras dahil hindi naman ho kami mag-aaway ng dahil lang sa ganoong bagay..." pormal subalit mahihimigan ang sarkasmo sa aking
tono ng sabihin ko ang mga salitang 'yon saka na tumayo at inayos ang aking palda at kinuha ang aking shoulder bag... "Mauuna na ho ako Mr. Gueveras, Sheila..." medyo ngumiti ako para naman hindi nila mahalata na naiinis ako sa mga kaingayan nila...

     'But deep inside kinikilig ako ng kaunti dahil sa mga ginagawa at sinasabi ni Mr. Gueveras'

Napangiti ako ng sabihin ko 'yon sa aking isipan saka ako lumabas ng canteen at dumiretso sa classroom naming mga section one sa 4th floor...

Pagdating ko sa classroom umupo na agad ako at kumuha ng librong favorite ko ang 'history book' saka na ako nag-umpisang magbasa kaso hindi pa ako nakakatapos magbasa ng isang page may lumapit na agad sa aking 'b*tch' alam n'yo na siguro kung sino s'ya diba?!

"Oh akalain mo nga naman ang b*tch nagkukunwari na namang isang mabait, perpekto, matalino, at inosente pero lahat naman ng ipinapakita sa lahat ng tao ay 'fake' dahil nasa loob ang kalandian  akalain mo 'yon may k*nikiri na ngang classmate may k*nikiri pang teacher ano ba 'yan... Ang daming b*tch dito..."  mahabang litanya ni Angelica na iniinis pa talaga ako ang kapal naman ng mukha nitong bwisit na 'to para sabihan ako ng ganoong salita eh s'ya nga 'yon eh hindi n'ya naman boyfriend sina Ace at Josh eh kung makapag-react akala mo naman inaahas sa kan'ya 'yong boyfriend n'ya...

"FYI lang ha?! Ikaw itong b*tch na walang ginawa kundi ang landiin ang dalawa sa kanila so kung ako ikaw hindi ako mangbabaliktad lalo na kung alam ko na ako naman talaga 'yon sa sarili ko... At tsaka hindi ko nilalandi ni isa man sa kanila dahil sila naman ang lumalapit sa akin unlike you..." mahaba ring litanya ko at talagang nilagyan ko ng panunuya ang boses ko habang sinasabi sa kan'ya 'yon... Mabait ako pero sobra naman ang mga lumalabas sa bibig n'ya na masasamang salita na wala namang katotohanan kaya kung masama lang din naman ang tingin n'ya sa ugali ko eh di ipapakita ko sa kan'ya na masama talaga ako...*Evil grin*

"Ha! Manahimik ka Mich dahil baka kapag pinapili ko sila sa ating dalawa eh ikaw pa ang mapahiya dahil I'm sure na hinding-hindi ka pipiliin ng kahit isa sa kanila..." mapang-insultong pahayag ni Angelika na lalong nakapagpainis sa akin pero kailangan kong mapanatiling kalmado ang sarili ko dahil alam ko namang hindi 'yon totoo eh sa ami ngang dalawa parang s'ya pa ang nakawawa dahil umuusok na ang tenga n'ya eh, binabaliktad n'ya lang talaga...

"Alam mo Angelika kung hindi ka naman pala natatakot sa presensya ko na napapalapit kila Mr. Gueveras at Josh bakit hindi ka na lang manahimik at magkulong sa bahay n'yo hindi 'yong ginugulo mo pa ang buhay ko?!" may pang-iinsulto ring sagot ko sa kan'ya at feeling ko nagalit lalo dahil para na s'yang kumukulong takore hehehe...

Nabigla ako ng bigla na lang s'yang lumapit sa akin at hawakan ang buhok ko saka malakas na hinila kaya hindi ako agad naka bawi... Huli na ng mapagtanto ko na nasa ibabaw ko na s'ya saka ako mabilis na sinapak sa mukha at dahil nasa ilalim ako nahihirapan akong itulak s'ya dahil kulang ako sa pwersa pero ng makabawi ay ako naman ang pumaibabaw sa kan'ya saka s'ya ginantihan ng sapak at sabunot pero hindi pa ako nakakatatlong sampal sa kan'ya ay napaibabawan n'ya na ulit ako saka sinuntok sa tiyan halos masuka ako dahil sa lakas ng suntok n'ya at nanghina ako dahil doon hindi ko alam kung anong meron sa kan'ya dahil ang lakas n'ya pero siguro dahil naunahan n'ya ako at dahil mahina naman talaga ang katawan ko dahil sa heart failure ko at halos mabingi ako ng may matigas na bagay na humampas ng malakas sa ulo ko hindi ko na nakita kung ano iyon subalit alam kong may sugat ang ulo ko dahil ramdam ko na may umaagos doong likido at unti-unti akong makaramdam ng panghihina at panlalabo ng mata at bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay may narinig pa akong mga boses at isa na doon ang boses ni Sheila na alam kong natataranta na...

"Mich ano bang nangyari?! 'Wag kang pipikit!, dapat kasi hindi mo na pinatulan alam mo namang inggit ang mga iyan sa 'yo eh... 'Wag kang pipikit isususgod ka namin sa Hospital Mich ha?! 'Wag kang pipikit..."

"Hello Mr. Gueveras?! Opo pwede mo po ba akong tulungang dalhin si Mich sa Hospital?! Nagkaroon po ng gulo eh, Opo si Angelika na naman po ang may gawa, Opo Sir pwede po bang pakibilis baka po kasi mapano si Mich eh..."

A/N's:

Sorry for the long, long, long time na hindi ako nakapag-UD pero baka po ngayon makapag-UD na ako palagi pero hindi ko rin po sure kasi may tinatapos pa po kaming research paper eh alam n'yo na graduating na po si Author kaya busy talaga...

Thank you po sa mga nagbabasa ng Story na ginagawa ko, thank you po sa support even if I'm not really good at writing a story... Alam n'yo na po hindi naman talaga ako kasing gagaling ng mga author na kilala na talaga at tsaka inspiration ko din po kasi talaga sila sa pagsusulat eh...

Again thank you for supporting my story, for reading it, for voting, and also for adding it to your private library thank you...

#happy reading😀😀😀

Vote and comments are highly appreciated...💞💞💞

BY: SCARLET_#25😘😘😘

"I Fell In Love With My Teacher"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon