CHAPTER I: Things that give us flashbacks

1K 13 27
                                    


A/N: There may be some typo errors.  Please bear with me. Also, leave me a comment. It would be nice to read what you think. 

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Hello?" Sagot ni Skye sa cellphone niya.

"Skye! Where are you?!" Bahagyang inilayo ng dalaga ang telepono sa tainga niya nang marinig ang bulyaw ng nasakabilang linya.

"Bakit nakasigaw ka nanaman?" Matamlay niyang sagot dito.

"Scarlett Sanchez, kanina pa ako binubulahaw ng tawag ng mga kapatid mo. Nasaan ka ba?" Bakas sa boses ng binata ang pagkairita. Kung hindi niya kilala ang kausap siguradong nabulyawan na niya iyon.

That's her bestfriend - Andrew Martinez, charming, smart and works like a robot.

"Chill." Mas matamlay pa niyang sagot dito sabay buntong-hininga.

"Iyon lang ang masasabi mo? Chill?" Sa pakiwari niya ay lalong nainis ang binata. "Skye, your brothers call me every five minutes."

"I'm on the roof." Skye pressed the end button hard.

Maya-maya ay tumunog naman itong muli.

"Scarlett!" That's one of her brothers now.

"Kuya Vince, I'm fine nasa rooftop lang ako ng building nina Drew. Don't worry. Bye." Mabilis niyang sabi sabay pindot ng end button.

Kilala niya ang mga kapatid niya, dahil nag-iisa siyang babae ay sobrang protective ang mga ito sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon, ang pagbanggit ng pangalan ng matalik na kaibigan ang ikakatahimik ng mga kapatid niya.

Palubong na ang araw at mataman iyong pinagmamasdan ni Skye. Malamig ang dampi ng hangin sa pisngi niya. Pumikit siya upang mas lalong lasapin ang malamig na hangin. Ngunit napamulat siyang bigla ng magitla siya sa marahas na pagbukas ng pinto ng rooftop.

Nilingon niya iyon, humahangos na si Drew ang iniluwa ng pinto. Mabigat ang mga yabag na lumapit ito sa kanya.

"Scarlett, what are you doing?" Marahas siyang hinila nito palayo sa railing ng builiding.

"Sightseeing?"

"Sightseeing sa rooftop ng building? At building pa talaga ng opisina ko ang napili mo?"

"Bawal ba? Kala mo naman pag-aari mo ang building eh." Binawi niya ang braso niya mula dito.

"Hindi ko nga pag-aari pero tulad ng sinabi ko sayo, iniistorbo ako ng mga kuya mo. Just go home, Skye." Batid ang pagka-irita sa boses ng binata. Alam naman ni Skye ang higit na ikinagagalit nito ay ang magkaka-istorbo ng trabaho niya.

"Just turn it off and go back to your loving work."

"Turn it off para sa office phones naman sila tumawag? Here." Iniabot nito sa kanya ang nag-ingay nitong celphone. "Siguradong kuya mo nanaman iyan. Sagutin mo."

Marahas na kinuha ni Skye ang celphone at sinagot ito. "Kuya Kayle please, stop calling Drew! And I'm fine." She end the call and give it back to Drew.

"Hey..." Untag ni Drew sa kaibigan. "What's wrong?"

"Nothing. I just did the right thing, finally."

"E bakit parang nilamukos na papel iyang mukha mo?" Lumapit ito sa kanya. "At lumayo ka nga sa railing. Pakiramdam ko tatalon ka eh."

"Sira! Bakit naman ako tatalon?"

Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon