CHAPTER VII: Game of the Hearts

278 6 4
                                    


A/N: I am planning to write the love stories of the Sanchez Brothers. let me know if you want to read that. Leave a comment. :) 

---------------------------------------------------------------

"Kuya Vince..." skye whined while sitting on the tiled floor of their sala. "turuan niyo na kasi akong magbasketball."

"Marunong ka naman ah. In fact, di ba you got uno pa nga sa P.E. mo dati?" Kayle's voice is filled with iritation.

"Ang sungit mo naman! Alam mo ba kuya Kayle?" Tumayo siya saka umupo sa tabi ng kapatid. "Akala nang mga kapitbahay natin bading ka."

Ilang segundo munang tumahimik ang lahat saka nagtawanan ang magkakapatid maliban kay Kayle.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?" Ibinaba nito ang binabasang libro. "Ikwento mo sa pagong, kapatid."

"Kaya pala tinanong ako ni Brenda one time kung bading ka daw." Dagdag gatong naman ni Jester.

"Si Brenda? Brenda as in, Brenda na teacher, mahaba ang long curly hair with glasses – Brenda?" Balik tanong ni Kayle na halatang punong – puno ng interes.

"Huli ka!" Sabay – sabay na sabi nang magkakapatid.

"Sabi ko na nga ba crush mo si Ate Brenda eh." Sinundot – sundot ni Skye sa tagiliran ang kapatid. "Uyyy, crush..."

"Magtigil ka nga Scarlett Marie Sanchez!"

"Whoa! Galit na agad ang lolo mo." Itinakip niya ang buong braso sa katawan.

"Kelan mo pa naging ate si Brenda?" Maya – maya'y tanong ni Kayle nang nakakunot ang noo.

"Malapit na. Di ba?" Sabay kindat niya sa nakatatandang kapatid. "Approve ako sa kanya. Plus points pa na close kami." Ipinag – cross pa niya ang hintuturo at hinlalato niya upang ipakita ang pagiging close nila.

"Tse! Hindi ka pwedeng sumama sa basketball session. Basketball is for boys." Sabi ni Kyle at ibinalik ang atensiyon sa librong binabasa.

"Sexist!" Pagmamaktol niya sakang sumalampak muli sa sahig. Nanatili lamang nakamasid ang kuya Vince at Jester niya.

"Skye, tell Brenda subtlety na hindi bading si Kayle." Sinulyapan ni Vince ang kunwaring nagbabasa nang libro. "You can start practicing your dribbling." Saka ito tumayo at sininyasan siya sa labas.

"Yey!" Patakbong siyang yumakap sa kapatid. "You are the best!"

Nang hapon din na iyon ay nag-umpisang maglaro nang basketball si Skye kasama ang mga nakatatanda nitong kapatid. Natutuwa man siya sa ipinapakitang suporta nang mga kapatid niya sa kanya ngunit hindi na siya natutuwa sa pinagagawa ng mga ito sa kanya.

Mag – iisang oras na yata siyang naka – squat habang nagdi-dribol nang bola. Pakiramdam niya naninigas na ang mga binti niya pati ang kanya pulso habang tila walang pakialam sa kanya ang mga kapatid niyang nagpapabalik – balik sa kahabaan nang court sa paglalaro nang basketball. Ipinagpapasalamat na lamang ni Skye na Biyernes iyon at may pasok sa iskwela ang mga kabataang madalas ay naglalaro doon kundi siguradong pagtitinginan siya ng mga iyon.

"Kuya... mamamatay na yata ako." Tawag pansin niya sa kapatid pagdaan nito sa harap niya. "Mapuputol na ang pulso ko."

"Wala pang namatay sa pagdidribol Iska, wag kang maarte." Ang Kuya Vince niya iyon.

"Fine. Pero hindi ka ba naaawa saken, malapit nang maging katulad ng sanga nang puno ng acacia ang mga binti ko dito. Can I at least stand?" Dugsong pa niya at sakang inginuso ang direksyon ng puno ng acacia na malapit sa kanila.

Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon