A/N: Medyo masakit sa puso ito, guys. Kapit lang, Skye! Leave me a comment. :)
Nangkaraang – gabi ay pinagod ni Skye ang sarili sa pag – iyak. Kung gaano katagal ay hindi niya alam. Pinilit na imunulat ni Skye ang mga mata, may liwanag nang tumatagos mula sa bintana. Salamat na lamang at binigyan siya ng vacation leave ng boss niya, she needs it sa mga ganitong pagkakataon at siyempre para ikatuparan ang kanyang misyon.
Hinilot -hilot niya ang sintido habang dahan – dahang bumangon. Hinagilap niya ang alarm clock niya sa bedside table, ala – una na. Tanghali na pala kaya nakararamdam na siya ng gutom. Napaungol siya ng kumirot ang ulo niya.
Naabutan niyang naglalaro ng chess ang mga kapatid niya nang makababa siya sa sala.
"Wala ba kayong mga trabaho?" Tanong niya sa mga ito habang hawak parin ang ulo.
"Marami pa akong unused leave kaya ginagamit ko na ngayon." Jester said.
"Kami ni Kuya Vince, tinatamad lang pumasok." Nakangising sabi naman ni Kyle habang pasimpleng iniusog ang knight sa chess board.
"Teka, Kuya Kyle, hindi ba nakain na ni Kuya Vince ang knight mo?" Tinapunan ng mas nakakatanda ng masamang tingin ang bunso. "Bakit nakabalik yan? Ano yan zombie?"
"Ahhh.. sorry nadistract kasi ako ni Iska eh." Binalingan siya nito habang tinanggal naman ni Kyle ang knight niya sa chessboard. "Kumain ka na nga dun, Iska. You are a distraction."
"Dahil maganda ako?" Balik niya dito.
"No offense sis but you look terrible." Baling sa kanya ni Jester.
Masisisi mo ba ang babaeng magdamag na umiyak. May maganda bang nabusted not once, not twice but four effin times?!
"Heh! Hindi man lang ako kampihan ng mga ito." Naglakad na siya matungong kumidor, nasa kalagitnaan na siya ng lingunin niya ang mga kapatid na lalaki. "And Kuya Jester, I think the zombies will prefer the term undead."
"Maybe. How about you would you prefer the term undead or unbroken?" Saka nagtawanan ang mga ito.
She rolled her eyes to them. Ibang klase ang mga kapatid niya tila nag -e – enjoy pa ang mga ito sa nangyayari sa kanya. Pero unbroken would be really good... kung pwede nga lang.
"Ah, Iska." Tawag muli sa kanya ng kuya Vince niya. "Tumawag nga pala si Tita Gina, hinahanap ka. Call her back daw about sa birthday ni Drew."
Shit! "Oo nga pala birthday ni Drew." She panicked and immediately picked up the phone. Ilang sigundo lang matapos niyang i-dial ang numero ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Hello?" Sagot ng malambing ngunit sopistikadang boses. Hindi siya pwedeng magkamali ang mommy ni Andrew yun.
"Tita G, it's me." Excited niyang sabi.
"Skye? Hi, sweety." Magiliw na sagot ng ginang. "Sana hindi ka busy sa mga oras na ito, dear."
"No, Tita. I'm actually on a leave."
"Good. Now, I really want you to help me prepare for Drew's party this year."
"He doesn't want a party, Tita. Siya mismo nagsabi last year."
"About that..." huminga muna ng malalim ang ginang bago muling nagsalita. "May dinala siyang babae dito last month, his girlfriend. Gwyneth, if I remember her name correctly."
BINABASA MO ANG
Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)
RomanceKahit isang beses hindi naisip ni Sky na maiinlove siya sa matalik niyang kaibigan. Ngunit paano kung kug kailangan handa na siyang magtapat dito ay mayroon na itong kasintahan. Kaya kaya niyang ipaglaban ang pag ibig niya sa matalik niyang kaibigan.