A/N: Hello, guys! Paalala lang ah, wag pong "pa-fall" at wag masyadong "mag-assume" para di masaktan. Please leave a comment.
---------------------------------------------------------
"I really can't believe you lost to that midget!" Maarteng protesta ni Gwyneth kay Drew.
Kahit nakapinid pa ang pinto ay dinig na dinig ni Skye mula sa labas ang boses nito. Nilingon niya ang sekretarya na nagkibit - balikat lamang.
"Lagi ba silang ganyan mag-usap?" Mahinang tanong niya sa sekretarya.
"Si Miss Gwyneth lang po ang malakas ang boses, hindi mo naman madalas maririnig si Sir Drew." Sagot naman nito.
"Hindi ba sila nag-aaway?" Bumalik siya at umupo sa kalapit na silya ng mesa nito.
Alam niyang pakikipagtsismisan ang labas nang ginagawa niya pero ito ang pinaka-maiging paraan para makasagap ng balita.
"Kapag nababanggit lang po kayo pero... hindi ko po dapat sinasabi ito." Mabilis na nag - iwas ng tingin ang babae sa kanya.
"I understand. Thank you." Mabilis siyang tumayo. Matapos ngitian ang sekretarya ay tinungo na niya ang pinto ng opisina ni Drew.
Kapag nababanggit ako. Ulit niya sa sinabi ng babae. Hindi niya mapigilang ngumiti, para siyang nakakita ng munting liwanag sa dilim. May pag-asa pa.
"I have to do it, Gwyn." Narinig ni Skye na sabi ni Drew nang maiawang niya ang pinto.
"Nagpatalo ka ba talaga?" Mataas ang boses na tanong nito. Ang tono nito ay parang nangbibintang kaysa nagtatanong.
"Natalo siya dahil magaling ako." Sabat niya kasabay nang tuluyang pagbukas ng pinto. She just loved the shock on Gwyneth's face. "Iiyak ka na ba, Gwyn?"
"What are you doing here?" Namaywang si Gwyneth sa harapan niya.
"I came to claim my prize." Nagmartsa siya papasok sa kwarto patungo sa tabi ni Drew. Iniangkla niya ang kamay sa braso nito.
"Bitawan mo siya!" Agad naman hinila ng babae ang kasintahan.
"Classy." Sarkastikong sabi niya sakang binitawan si Drew. "So, hindi mo ba i-o-honor ang bet naten, Mr. Martinez?" Binalingan niya si Drew.
Tinanggal ni Drew ang kamay ng kasintahan. "Gwyn, we will talk about this later." Binalingan siya nito. "Wait here, may ibibilin lang ako kay Betty."
Mabilis na lumabas si Drew at naiwan ang dalawang babae sa loob ng kwarto.
"You planned this, didn't you?" Gwyneth flipped her hair.
"Oo bakit? Effective di ba? Inggit ka?" Ginaya niya ang pagwahi nito nang buhok.
"Akin si Drew at hindi mo siya maagaw sa'ken. Sa akin na siya forever!" Nagtatagis ang mga bangang ng dalaga.
"Oh? Di nga?" Hinarap niya ito. Ipinagpasalamat niyang nagsuot siya ng sapatos na may takong dahil kung hindi ay titingalain niya ito. "Para sabihin ko sa'yo simula pa nang mga bata kami sa'kin na siya at hindi ikaw na haliparot ka ang hahandalang sa aming dalawa."
"Mula pagkabata?" Marahas itong naglabas ng hangin sa ilong. "Kaya pala ako ang girlfriend niya."
Ouch! Parang may palasong tumarak sa dibdib ni Skye. Oo nga tama naman si Gwyneth. Bakit hindi siya ang kasintahan ngayon ng binata? Bakit?
BINABASA MO ANG
Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)
RomanceKahit isang beses hindi naisip ni Sky na maiinlove siya sa matalik niyang kaibigan. Ngunit paano kung kug kailangan handa na siyang magtapat dito ay mayroon na itong kasintahan. Kaya kaya niyang ipaglaban ang pag ibig niya sa matalik niyang kaibigan.