A/N: Hi, guys! Don't be a silent reader, leave me a comment.
--------------------------------------------------------------------------------------------Tatlong araw na ang nakakalipas mula ang nakakapanliit na pagtatapat ni Skye. Tatlong araw na hindi niya namalayang lumipas. Tatlong araw na pumapasok siya ng maaga sa opisina at gabing-gabi na uuwi saka siya tutunganga sa kisame hanggang makatulog.
"Miss Sanchez..." marahang tinapik nang kaopisina si Skye.
"Hmm..." Sagot niya dito nang di inaalis ang mata sa monitor ng computer niya. Tuloy – tuloy din ang tipa ng mga daliri niya sa keyboard.
"Ipinatatawag po kayo ni Boss Amy sa opisina niya." Nilingon niya ang nagsasalita, ang bagong intern nila iyon.
"Sige, Tess. Salamat." Walang gana siyang tumayo matapos i-save ang tina-type.
Malayo pa lamang siya ay sinalubong na siya ng supervisor nila.
"Sanchez, I loved your ideas regarding sa bagong project naten. Good job!" Magiliw siyang iginiya nito sa loob ng opisina at sakang isinara ang pinto sa likod niya.
"Thank You Boss." Bahagya siyang ngumiti. Tatlong araw niyang ibinuhos ang oras niya sa mga report na iyon.
"Sure. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kita ipinatawag, Skye."
"May kailangan po bang i-revise?"
"Nope." Umiling ito. "I need you to take a break. Take a vacation. Just think of it as your reward for the job well done."
"Thank you, Boss pero I don't want to." Mas masaya siya na nakasubsob sa trabaho kahit paapano nakakalimutan niya na broken hearted siya. Natalo siya ng di pa lumalaban.
"That's not a request, Scarlett. Your vacation will start tomorrow, so I will see you next week. I need you fresh and recharged by then. Don't forget the meeting with the new clients. Okay?"
"Pero..." Bago pa siya naka-angal ay hinarapan na siya ni Amy ng salamin.
Magulong nakapusod ang buhok niya. Wala bakas ng make up ang mukha niya at maputla ito. Malalim ang mga mata niya sa puyat. Sinipat niya ang damit at tulad ng inaasahan niya, hindi rin maayos ang mga napipili niyang damit. Sa madaling salita, hindi siya presentable. Anong nangyari sa kanya?
"See what I mean? It's a paid leave so don't worry." Ngumiti ito sa kanya. "Skye, sweetie, you are one of my best. You deserve this. Call it a day and go home, I already called your Dad, he's picking you up."
"What? Sino...po?" Parang nagising ang buong diwa ni Skye. No, not her Dad. Sigurado siyang kung alam ng daddy niya alam din ng mga kuya niya.
"Ang Daddy mo. Siya ang nasa contact information mo. Why?"
Mahina na lamang siyang umiling. "Thanks."
Nang makababa si Skye ay nandoon na ang Daddy niya sa lobby. Magiliw siyang kinawayan nito ng mamataan siya.
"Kumusta ang Iska ko?" Mahigpit siyang niyakap nito.
"Hi, Dad. Okay naman po ako?"
"Ilang araw ka bang nag-iiyak at parang luluwa ang mga mata mo?"
"Puyat hindi iyak, Dad."
"Nagpupuyat din ako, Iska at alam kung hindi ito ang mukha nang nagpupuyat ." Inabot nito ang bag niya at saka siya inakbayan. "Ano'ng nangyari?"
BINABASA MO ANG
Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)
RomanceKahit isang beses hindi naisip ni Sky na maiinlove siya sa matalik niyang kaibigan. Ngunit paano kung kug kailangan handa na siyang magtapat dito ay mayroon na itong kasintahan. Kaya kaya niyang ipaglaban ang pag ibig niya sa matalik niyang kaibigan.