CHAPTER III: The world turned upside down

320 10 22
                                    

A/N: Hi, guys! What do you think of women showing interest? Any thoughts? Don't be a silent reader, leave me a comment.
--------------------------------------------------------------------------------------------

Binuklat muli ni Skye ang notepad niya habang nasa loob ng taxi.

Number 1, magpapansin. Kailangang iparamdam at ipakita mo na existing ka. Basa ni Skye sa nakasulat sa notepad. Iyon ang number one sa listahan na ibinigay ng mga kuya niya sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit siya nakikinig ngayon sa mga kapatid niyang pulpol pero wala na siyang choice. She needs to get Drew by hook or by crook.

"Nandito na po ta'yo, Ma'am." Pukaw nang driver sa atensiyon niya.

Tiningala ni Skye ang pamilyar na building saka nagbayad at bumaba.

"Here goes nothing." Nagmartsa siya papasok nang opisina.

With all her confident ay daig pa niya ang modelo narumarampa patungong elevator. Suot niya ang paborito niyang red mini na pinaresan niya ng sleeveless blouse at red stilettos.

Nang marating niya ang floor kung nasaan ang opisina ni Drew ay parang naglahong lahat ng confidence niya. Gusto na niyang tumalikod at kalimutan ang nauna niyang plano.

"Miss Skye." Tawag nang sekretarya ni Drew sa kanya bago pa siya nakatalikod. "May appointment po ba ka'yo kay Sir Drew?"

Appointment? I never needed one before. "No, I- I just wanted to surprise him. Nasa loob ba siya?"

Napasimangot siya nang pasimpleng sipatin ng sekretarya ang planner nito. "Opo pero... may kasama po siya sa loob."

"May meeting siya? Hmm... Can I wait here then?"

"Umm... baka po kasi matagalan." Halatang – halatang gusto nitong umalis na siya. Oh, no. Pina-blacklist ba siya ng kaibigan. No-freaking-way!
"Betty..." Umpisa niya. "May binilin ba si Drew na wag akong i-entertain?"

"Po? Wala po!" Defensive.

"It's okay. You are just doing your job." Akmang tatalikod na siya ng bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Drew at isang babae.

BABAE! Sino? Business partner?

Waring natuod si Skye sa tabi ng mesa ng sekretarya ni Drew. Di mapagkakailang maganda ang babae, sopistikada. Mas hapit pa sa balot ng turon ang damit ng babae, pero may 'k' naman kasi itong magsuot ng ganun.

Napigil ni Skye ang hininga ng humalik ito sa labi ni Drew.

Oh My Gosh! Kakalbuhin kitang babae ka! Aaaahhhh...

"Skye?" Naputol ang pagsasabunot ni Skye sa babaeng humalik kay Drew sa imahinasyon niya nang tawagin siya ng binata. "What are you doing there?"

"Huh?" Binalingan niya ng tingin ang babaeng katabi ni Drew. Napulot naman ito sa baywang nang binata. Haliparot. "Ah... binibisita ko itong si Betty. Naging close kasi kami, naka-leave ako so niyaya ko siyang gumimik." Binalingan niya si Betty. "Sorry Betty kung naistorbo kita. Text mo ko pag pwede ka." Kinindatan niya ito sabay abot ng calling card niya.

"Do you need to talk to me?" Nakakunot ang noo ni Drew sa kanya.

"Nope. I came for Betty. Why? Do you need to talk to me?"

"Baby, care to introduce us?" Maarteng sabi ng babae.

Baby... mukha mo!

Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon