A/N: I cried so much writing this part. Please leave me a comment. :)
Sabado nang umaga at punong abala sila ng mommy ni Drew sa pag aayos ng mga kailangan sa party. Ang maarteng Gwyn-zilla? No where to be found. kahit naiinis siya na hindi tumutulong ang malditang babae, naturingan pang girlfriend ng may birthday, mas masaya na rin siya na wala roon ang babae.
"Skye, hija..." Tawag sa kanya ng ginang.
"Yes, tita?"
"Okay na ba yung caterers naten?"
"Yes, Tita. Sa venue na daw po sila tutuloy. Nag go signal na din ako sa kanila na umpisahan agad ang pagaayos once nandun na sila." nakangiting sabi niya.
"Naku, mabuti at nandito ka kung hindi baka nang mental breakdown na ako dito." Napatawa pa ang ginang sa nasabi.
"Basta kayo ni Drew, Tita. Nanginginig pa."
Number 7, challenge the competition. Ini-enumerate ni Skye ang mga pointers nang mga kuya niya sa kanyang isip. Marami - rami pa siyang kailangan gawin.
"Tita, dapat po nandito yung girlfriend ni Drew para tumulong ah." Maya - maya'y sabi niya sa ginang.
"Oo nga eh. Balita ko masama daw ang pakiramdam."
"Nakow, baka ang sabihin niya, nagpapa-parlor na 'yun, Tita." Masama man ang manira pero iyon talaga ang naiisip niyang ginagawa nito.
"Hayaan mo na nga siya. Mabuti nga at wala dito iyon eh. Hindi ko din naman gusto ang isang iyon. Ewan ba kay Drew at iyon pa ang natipuhan." Hindi maiwasan ni Skye ang mapangiti sa naituran nang ginang.
"Alin nanaman ba, Ma?" Sabay silang napalingon nang marinig ang pamilyar na boses.
"Wala. Bakit ka nandito?"
"This is my birthday. Kailangan nandito ako, tama?" Lumapit ang binata sa kanila.
"Mamaya pa ang party so dapat mamaya ka pa." Sagot naman ni Skye.
"I want to help." Kinuha nito ang spatulang hawak niya.
"You don't have to." Binawi niya iyon. "Kering - keri ko na ito."
"You can teach me then." Kinuha nitong muli sa kanya ang spatula.
"Sure. Sa isang kondisyon."
"Ano?"
"Aaminin mo na mas magaling akong magluto, mag-bake, mag-alaga at mag-organize ng party kaysa sa girlfriend mong pulpol."
Malakas itong tumawa. "You're right. You are better than her on those things."
"Narinig mo yun, Tita? I'm better."
"Narinig ko. Kung better si Skye bakit hindi siya ang girlfriend mo ha, Andrew?"
Nagkibit - balikat lamang ang binata.
I'm better, so Number 7, check. Pero bakit parang ako parin ang talo?
"Siya nga pala, Drew..." simulang muli ng ginang. "nasan nga pala ang girlfriend mo at bakit di siya tumutulong dito?"
"Masama daw po ang pakiramdam niya eh."
Hoo.. kung di ko pa alam. Nagpapa-parlor lang yun.
"So di siya makakasama sa party mamaya?" Tanong naman niya. Please say, no.
"I guess, she'll be there... or not. " Yes!
BINABASA MO ANG
Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)
RomanceKahit isang beses hindi naisip ni Sky na maiinlove siya sa matalik niyang kaibigan. Ngunit paano kung kug kailangan handa na siyang magtapat dito ay mayroon na itong kasintahan. Kaya kaya niyang ipaglaban ang pag ibig niya sa matalik niyang kaibigan.