CHAPTER V: Go, Charge, Go

287 8 2
                                    


A/N: Hi, guys! Don't be a silent reader. Leave me a comment.

Sky sloppily chewed on her pancakes habang nakatulala sa kawalan.

At hindi na talaga nagreply ang lalaking 'yun, Nagpalit na nga talaga yata ng number si loko. At napasunod ng Gwyn-zillang 'yun si Mr. Martinez? Aba, matinde!

"Try mong maging lady-like minsan sis. Baka sakaling magustuhan ka ulit ni Drew." Nakasimangot na sambit nang kuya Jester niya. "Chew like you have a secret."

Sa kanilang magkakapatid ang pinakabatang kuya niya ang pinaka – may poise parang prinsepe sa pagka-graceful kumilos. Nuknukan din naman ng metikuloso.

"Nyaa... nyaa... nyaaa..." Pinaingay pa niya ang pagnguya para asarin ang kapatid. Nagsi-tawanan lamang ang mga nakakatandang kuya nila.

"Patawarin mo na 'yan Jess at broken hearted." Nakangising panunudyo ng Kuya Vince niya. "Balita ko na-busted ka nanaman ah."

Marahas niyang binagsak ang hawak na tinidor sa lamesa. "Tatlong beses na!" Buong pagmamalaki niyang sabi.

"At proud ka pa?" Nagkibit -balikat lamang siya sa komento ng Kuya Kayle niya. "Kaya pa?"

"Naman! Kakayanin Sir!" Isinubo niya ang natitirang pancake. "Siya chige una na ko." Sabi niya habang puno pa ang bibig na siyang ikinangiwi ng kuya niya.

"San ka?" Tanong ng Kuya Vince niya.

"Isasakatuparan ang mission ko." Sabi pa ni Skye matapos lunukin ang natitirang pancake sa bibig.

"Mission Impossible." Nagtawanan ang mga kapatid niya sa turan ng Kuya Kayle niya.

"Impossible mong mukha mo." Namaywang siya. "I'm on to Number 4." She gave them an assuring smile saka nagmartsa palabas ng kumidor.

" Number 4: Showering with gifts?" Nakakunot ang noo ni Vince. "Baliktad na talaga ang mundo."

Mabilis na tinungo ni Skye ang kwarto niya at binuksa ang laptop. She ordered three baskets of flowers, one box of chocolates at isang malaking teddy bear online. Nang tanungin siya kung anong message ang ilalagay ay napangisi siya.

"Ummm... Pwede po bang ilagay ang note sa pink na scented paper?" Tanong niya sa kausap habang parang tangang nakangisi.

"Sure, Ma'am. Ano'ng pong ilalagay?"

"Let's see. Pakilagay po ganito, To someone I love. Feeling ko para tayong si Romeo at Juliet pero kahit na ipagbawal pa ang mahalin ka, hindi ako susuko. I miss you." Kinagat niya ang labi upang pigilan ang pagtawa. "From your secret admirer. Ganun po. Okay na po ba 'yun?"

"Aba, okay na okay 'yun Ma'am. Ang swerte naman po ng lalaking ito." Sabi pa nang babae sa kabilang linya.

"Sinabi mo pa, hindi pa nga lang niya narereliaze yun."

"Sana naman po mareliaze na niya pag natanggap niya ito." Damang -dama ni Skye ang simpatya ng babae sa kanya. May pinagdadaanan din yata si ate.

Matapos niyang magpasalamat ay sinabi niya ang address ng opisina ni Drew.

"Ano kayang magiging reaksyon mo, Drew?" Wala sa loob niyang sinilip ang celphone, may isang message doon.

Dali – dali niyang binuksan ang message ngunit nalungkot din siya agad nang hindi pala galing kay Drew iyon.

"Grabe ka naman Andrew Martinez, kung anong ginaling mong magpaibig ganun ka din kagaling mang – hurt."

Nanatiling nakahiga si Skye sa kama niya habang pinagmamasdan ang puting kisame niya. Inilibot niya ang paningin sa kwarto, ngayon lang niya nareliaze na halos puro pink pala ang desenyo at mga gamit niya doon. Pinasya niyang linisin at palitan ang mga desenyo niya doon.

Imbes na pink ay pinasya niyang pula at itim ang gawing theme ng bago niyang kwarto. Pink is for babies daw at kung pula ay para maramdaman naman niyang matured na siya.

Marami na nga talagang nagbago. Nasa bakasyon siya ngayon at kung katulad parin ng dati ang lahat malamang nasa beach na siya ngayon at nag-bo-boy hunting. Habang naglilinis siya nang kwarto ay na pagtanto niya ang dahilan ng mga kilos at desisyon niya noon. Matagal ding nagpalipat-lipat sa iba't – ibang klaseng relasyon si Skye. Mabilis magbago ang mga preference niya sa lalaki, madali siyang magsawa. Ang pinakamatagal niyang boyfriend ay inabot lamang ng walong buwan. At umabot lamang iyon ng ganoon katagal dahil long distance relationship at hindi siya makahanap ng panahon para kontakin ito at mahipaghiwalay.

Sala sa init, sala sa lamig. Walang tumagal na boyfriend. Daig pa ang nagpapalit nang damit kung magpalit ng boyfriend. Ilan lamang sa mga kadalasang naririnig ni Skye tuwing pag-uusapan ang dating life niya. Kahit noong lagi silang nag-uuusap ni Drew ay iyon din ang tanong nito sa kanya, Bakit walang magtagal na boyfriend sa'yo? Hindi niya rin alam ang sagot noon, nagkikibit- balikat lamang siya parati. Ngunit ngayon iba na, alam na niya ang sagot kung bakit walang nagtaragal na relasyon sa kanya – dahil may mahal na pala siyang iba, noon pa man.

Nakalubog na ang araw nang matapos ni Skye ang rearrangement ng kwarto niya. Mataman niyang pinagmasdan ang bagong ayos na kwarto. Tinanggal na niya ang pink na wallpaper at hinayang nakalitaw ang beige na pintura ng pader. Pinalitan din niya ang bedsheet niya na noon ay puro pink, ngayon ay puti na lamang ito at ang mga punda ay pulang silk. Itinabi na rin niya ang mga manika at hello kitty collection niya, iniwan na lamang niya ang iilang mga teddy bear na galing sa mga kapatid niya, sa mga magulang at kay Drew. Nilinis din niya ang study table niya at maayos na sinalansan ang mga libro sa bookshelf.

She's satisfied sa ginawa niya. Nagpatango – tango siya habang nagpapalakad- lakad sa kabubuan ng kwarto nang marinig niya ang mahinang pagtunog ng cellphone. Mabilis niyang hinanap kung nasaan niya iyon nailagay. Natapos na ang pagtunog niyon ng makita niya ito sa drawer ng bedside table. Napanganga siya ng makita mahigit bente na ang missed calls niya at galing sa iisang – isa number. Nagitla pa siya ng biglang tumunog ulit iyon.

"Hello." Mabilis niyang sagot. "Skye speak---"

"Skye, what the hell are these things? At kanina pa kita tinatawagan ah, nasaan ka ba? Alam kong ikaw ang nagpadala ng mga ito. Ano'ng naiisipan mo?" Tuloy – tuloy na litanya ng nasa kabilang linya.

Hindi na niya kailangan tanungin kung sino iyon, kilalang - kilala niya ang boses nito.

"Ano'ng pinadala? Saka dahan – dahan lang sa pagsasalita para tayong  nasa gera." Pagmamaang – maangan pa ng dalaga.

"You know what I mean? Please stop."

"If you want me to stop, you should 'yes' now."

"Skye, not gonna happen. I know you." Huminto ito sa pagsasalita at nagpakawala ng buntong – hininga. "You'll change your mind eventually, you will get over this. Give it a month or two and you'll get tired of liking me just like your ex-boyfriends."

"Is that how you see all these, Drew? Is that a 'no' then?" Hindi na maitago pa ni Skye ang disappointment niya. Hindi naman niya masisi si Drew sa pag – iisip ng ganoon. But I changed, you are different. I am trying so hard, Drew. Why can't you see that?

Kinagat niya ang ibabang labi niya upang bigilan ang sarili na sabihin ang mga katagang naglalaro sa utak niya at upang pigilan ang mga nagbabadyang luha.

"This will not work out, Skye. And yes, it's a 'no'." Ouch!

Na-busted na naman siya. Mas masakit pa every time na maririnig niya ang maliit na salitang iyon. Kahit ilang beses niya marinig, di parin yata siya masasanay.

Lumunok siya nang laway bago siya nagsalita. "Pang – apat na busted mo na yan saken ah. I warned you before Andrew Martinez. Let's see you do it the fifth time." Iyon lang at pinatay na niya ang telepono.

That night Skye stained her fresh bedsheet with tears. 

Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon