A/N: Hi, guys! Nagka-crush na ba kayo? Yung tipong aalamin niyo anong gusto nung tao, mapansin ka lang. Also, don't be a silent reader, leave me a comment.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Number three, have a common interest.
"Common interest? Ano bang common interest namin nung lokong yun?" Kasalukuyang nakahiga sa salbabida si Skye at naka-bikini habang palutang – lutang sa swimming pool nila. "Kuya Vince!"
"Ano?" Tawag niya sa kapatid nang mapadaan ito. Hawak nanaman ang cellphone.
"Nangbababae ka nanaman. Magpakasal ka na nga." Tukso niya sa kapatid.
"Shhh... wag kang mag-aalala at baka ito nang bago kong chika-beybe ang magiging sister-in-law mo. Pag pinansin na ako."
"Woo... wag ako iba na lang. Narinig ko na yan dati kay Shiela eh."
"Wag mong ikumpara itong bago kung chicks kay Shiela ah."
"Aba, mukhang seryoso na 'yan ah."
"Naman! Speaking of seryoso, seryoso ka nga sa kwento mo kagabi?" Umupo na ang kapatid niya sa gilid nang pool at nilaro ang tubig nang paa niya.
"Ang alin na nagpakita akong naka-undies lang kay Drew? Oo." Ibinaba niya ang sunglasses at nahingang muli sa salbabida.
"Wow! Good job, sis!"
"Hindi mo ba ako papagalitan?"
"Ha! Si Drew naman 'yun. Papasaan ba naman at makikita niya rin 'yun."
Nagulat siya sa reaksyon nang kapatid. Oo at malayo ang agwat nila pero sobrang tinde ng suporta nito pagdating kay Andrew.
"Yan ang gusto ko sa'yo kuya eh. Supportive ka eh."
Binigyan siya nito nang aprob sign. "Naman!"
"So, okay lang bang ibigay ko na sa kanya?"
"Hoy!" Binato siya nito nang tsinelas. "Scarlett, tama na ang akitin mo siya. Okay lang na maghubad ka sa harap niya pero wag mong ibigay. San mo na tutunan yan ha?" Biglang nagseryoso ang boses nito.
"Ito naman, joke lang."
"Halika ka nga dito." Napabalikwas siya nang biglang lumusong sa tubig ang kapatid at hinila siya mula salbabida.
"Kuya!"
"Bakit? Naka-pang-swimming ka naman so swim."
Basang – basa na siya mula ulo hanggang paa. Dahil basang – basa siya, hapit na hapit din sa kanya ang bikining suot niya.
"Ah, siya nga pala." Pukaw pansin nang kapatid niya sa kanya bago umahon nang pool. "Nandyan si Andrew sa loob, hinahanap ka."
"Weh? Di nga?"
"Oo nga."
"Bakit daw?"
Nagkibit- balikat lamang ito saka siya tinalikuran.
Nang makaahon si Skye sa swimming pool ay saka namang papalapit sa kanya ang kaibigan – Andrew Martinez.
"Mr. Martinez, to whom do I owe this honor?"
"Skye, I came by to say some things to you." Matagal muna itong nakatitig sa kanya bago nagiwas nang tingin. "Pwede ka ba munang magbihis bago tayo mag-usap?"
BINABASA MO ANG
Not Another Bestfriends Story (COMPLETED)
RomanceKahit isang beses hindi naisip ni Sky na maiinlove siya sa matalik niyang kaibigan. Ngunit paano kung kug kailangan handa na siyang magtapat dito ay mayroon na itong kasintahan. Kaya kaya niyang ipaglaban ang pag ibig niya sa matalik niyang kaibigan.