How Did I Fell For Her?
> Patay
>Michael's POV<Papalabas na sana ako ng bahay nang may humarang sa akin na may hawak-hawak na rectangular na box na kulay berde at inaabot sa akin.
"O, lunch box mo naiwan mo nanaman Michael.",sabi ni mama sa akin na naka pamewang at nakatingin sa akin."
Halatang pinagpapawisan na sa kakatakbo papunta sa akin.
"Ma... Sa canteen nalang ako kakain nagmamadali na kasi ako eh. Malelate na ako sa school at marami pa akong gagawin."
Sabi ko kay mama at tumakbo papalabas ng gate at nagpaalam pero hinabol niya ako at sinigawan.
"Hoy Michael Sansario! Dadalhin mo ito o hindi?" Napahinto ako at lumingon sa kanya.
Kitang-kita sa mukha niya na parang sasabog na siya sa galit sa akin.
Wala akong magagawa eh. Naglalakad ako papalapit sa kanya at kinuha ang lunch box ko at umalis.
Pag alis ko ay may tricycle na dumaan at mukhang wala pang laman at naghahanap ng pasahero kaya pumara ako...
Tumigil ang sasakyan. Sumakay ako at umalis na kami.
Hay naku si mama talaga. Ayaw kasi niyang mag say no sa kanya. Kailangan kung ano gusto niya gagawin mo.
May pagka seryoso siyang mukha pagdating sa amin. Kung ako ay makulit nag-aanyo siya na parang tigre at kung mabait naman ako ay nag-aanyo siyang mabait na tupa sa akin. Iba talaga ang mga nanay eh mapagmahal at maaruga.
Ayun na nga sa huminto ang sasakyan sa harapan ng school namin. By the way Manzano Integrated School ang name ng school namin. Public lang siya at sa katunayan malapad din ang lugar at masaya ang pakikitungo ng mga tao dito.
Pagbaba ko ng tricycle. Nagbayad ako ng buong 50 pesos. Wala kasi akong barya eh kaya iyon nalang ang binayad ko.
"Sir wala ka bang barya?"
tanong ni manong drayber ng mahawakan niya ang pera ko.
"Ay wala po kuya."
Nagtanong si kuya sa kapwa kong mga commuter na wala ring mga barya kaya bumaba siya at nag hanap ng tindahan para suklian ako.
Sabi nga nila "Barya lang po sa Umaga".Sino ba naman ang pasahero ang walang barya sa umaga? Diba wala? Hmmm baka kayo meron.
Ayun na nga bumalik na ang drayber at binigay ang sukli ko at umalis.
Nilingon ko ang relo ko sa left hand ko at nakita ko na...
7:20 am na!
Dali-dali akong tumakbo. Wala akong pake kung merong mga taong nakaharang sa gita ng daan ko basta makarating ako ng maaga sa classroom ko.
Lakad... Takbo... Lakad... Takbo akong tumatakbo.
Left... Right... Left... Right din akong umiiwas-iwas na parang isang ninja at assassin.
Pagdating ko sa pathway kumaliwa ako at patuloy sa pagtakbo.
Nilingon ko ulit ang relo ko at....
...
...
...
7:25 am na!!!
Limang minuto nalang at malelate na ako.
Nakakainis naman si mama eh... Tinawag-tawag pa ako. Pinabalik at kunin yung lunch box ko sa kanya....
Kainis...
Malapit na ako sa building.... May dalawa kasi kaming building for senior high and for highschool. Magkatabi lang kasi yon...
Buti nalang ang room namin hindi nasa itaas ng building kundi sa ibaba. Kung sa taas man yun siguradong malelate na ako...
Pagdating ko sa crossing ng dalawang pathway kumaliwa ako.
Pagkaliwa ko may nakita akong babae na nakatalikod. Naglalakad din siya patungo sa pinupuntahan ko.
Maikli ang buhok, may katangkaran at hindi gaanong mapayat. Marahan ang kanyang paglalakad na may dalang libro sa kanang kamay niya.
...
...
Bogsh.....
...
..
Dinilat ko ang mga mata ko.
O_O
Nadaganan ko siya. Nakatitig siya sa mga mata ko...
A-Ang ganda niya.
Maputi, makinis ang balat, at nagniningning ang kanyang mga mata dahil nagrereplek ang sinag ng araw sa kanyang mga mata.
Sa katunayan, nakahiga siya sa semento na naka cross ang kanyang mga kamay na nakatitig sa akin at ako naman ay isang bobo na nakaluhod at ang mga kamay ko ay nasa pagitan ng kanyang ulo na tinutulak ang sarili para di mahulog.
.
"Kuya?"
"Kuya?"...
"Kuya!!!"
Nagulat ako nang sumigaw siya.. Nanlambot ang katawan ko at na out of balance kaya nahulog ang katawan ko sa kanya.
>//______//<
Tinulak niya ang dibdib ko at tumilapon ako sa gilid niya at napahiga.
"Bastos!!!"
Napasigaw siya at dali-daling tumayo. Kinuha niya ang mga librong hawak niya kanina at tumakbo ng napakabilis...
Tumayo ako.
Pinunasan ang damit ko at napailing.
Sino kaya yon? Bakit ako natumba? Bakit nandon siya sa harapan ko? Sino siya? Sino?
Naglakad ako papunta sa room ko at di parin makapaniwala sa nangyari... Pag dating ko...
O_____O
Nakatingin lahat ng kaklase ko sa akin pati na rin si maam.
"Anong oras na Mr.Sansario?"- ma'am
Nagulat ako at tiningnan ko ang relo...
7:41 am na!!!
Patay.......
>____<
~~~~~~~~~~~~~~°~~~~~~~~~~~~~~
Thank you po sa mga nag read... First Update po.... Salamat po sa mga nagbasa. Suportahan niyo po ang
How Did I Fell For Her?
![](https://img.wattpad.com/cover/169197486-288-k74750.jpg)
BINABASA MO ANG
How Did I Fell For Her?
RomanceSabi nga nila "Love is the most powerful weapon on earth." Kahit hindi mo hanapin ay kusa itong darating nang hindi mo inaasahan. Magpapasaya, magpapangiti at magpapakilig sa bawat umaga at gabi ngunit paano kapag mawala siya? Paano kapag di na naa...