Chapter 12- Beloved Serene

11 0 0
                                    

How Did I Fell For Her?

- Beloved Serene



>Michael's Point Of View<

"Ganito ba?"

"Oo ganyan nga."

"Didiinan pa?"

"Diinan mo pa."

"Ganyan ba?"

"Oo nga."

"Di ako marunong."

"Ako na nga."

Kinuha ko sa kanya at sinundot-sundot ko iyon para tumigas.

"Ganyan kasi 'yan par- Arrraaayy!!!"

Napasigaw ako sa sakit at napatalon bigla.

Napaso kasi ako ng glue stick sa hintuturo ko.

Hinawakan ko ito at inilagay ko sa baba ko. Ang hapdi talaga. Di ako nakatiis sa hapdi at sakit kaya tatayo na sana ako at kukuha ng gamot ngunit...

...

...

...

Hinila ako ni Serene.

"Masakit ba? Di ka kasi nag iingat eh.. Akin na nga."

Hinawakan niya ang daliri ko at tiningnan niya kung saan banda ang sakit.

"Hmmm... Wala yan Serene malayo yan sa bituka. Konti lang ang paso eh. Di naman gaano masakit sa una lang."

"Anong hindi... tingnan mo oh.. Napaso talaga. Nasaan ba yung first aid kit niyo?"- Serene

"Ah hinde...Hindi na masakit Serene. Promise. Konti lang."

"Kahit konte atleast merong sakit parin.. Nasan na nga?"

Tatayo na sana ako para kunin ang kit ngunit pinaupo niya ulit ako sa upuuan at siya na ang nagpresentang tumayo.

"Ako na ang kukuha. Nasan ba?"

Umikot-ikot siya sa sala at naghanap-hanap kung saan talaga nakalagay iyon... Dahil di niya mahanap ay lumapit siya sa akin at nagpamewangan.

Ewan ko ba kung ma-iinis ako o matatawa sa pinaggagawa niya.. Hindi ko narin kayang makipagdiskurso sa kanya kaya sinabi ko sa sa kanya kung saan.

"Doon sa kusina sa itaas ng lababo."-ako

Dali-dali siyang pumunta doon at hinanap sa itaas.

Sa kusina kasi namin merong maraming compartment doon na kung saan nakalagay ang mga Tupperware, mga gamit pangluto at first aid kit.

Tiningnan ko yung paso sa daliri ko. Di naman masakit at konti lang pero makareact naman si Serene eh wagas. Hmm parang kagat lang ng malaking langgam.

Busy ako sa pagtingin ng project nang may narinig akong malakas na tunog.

Krrrrkkk...

Nabaling ang aking tingin sa kusina nang may narinig ako na ingay.Napatingin ako kay Serene na tinataas niya yung dalawang paa niya at tinataas ang kanyang isang kamay para maabot ang first aid kit.

Napatawa ako sa nakita ko. Sino ba naman ang hindi matawa sa pinag gagawa niya eh kulang nalang ay umakyat siya sa lababo para maabot ang kit.

Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na mataas 'yon at hindi niya kayang maabot.

How Did I Fell For Her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon