Chapter 10 - Worst Day

19 2 0
                                    



How Did I Fell For Her

- Worst Day



>Michael's Point Of View<

     Inunat-unat ko yung likod ko na kakagaling lang sa pagkahiga. Masakit parin ang likuran ko dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. Parang binali ito o di kaya'y hinampas ng malaking dos por dos ang katawan ko. Para akong baldado. Ewan ko ang sakit talaga di ako makatayo.





     Muli kong ibinalik ang likuran ko sa kama. Parang ayaw kong tumayo. Mas mabuti nang ganito.



     Pinikit ko ang aking mga mata at pinipilit na makatulog pero ayaw talagang makisama ng mga mata ko. Alas sais na kasi ng umaga at gusto ko paring matulog. Haist matulog ka na kasi Michael. Ano pa kasi yung ginagawa mo kung bakit di ka pa natutulog!

     Dahil di ako makatulog pinabayaan ko nalang na minulat ang mga mata ko at tumingin sa kawalan. Hindi parin ako ma ka get over sa nangyari noong isang gabi.



     "Coincidence lang ba yon? Bakit naulit ang kahapon? Bro naman kasi eh ang jologs niyo. Ano ba ang meron sa aming dalawa bakit nagcocross ang aming landas? Is there any connection with each other? Similarities like characteristics and hubby or...? O-Or maybe we have an AFFECTION with each other?!"



     Napatalukbong ako ng kumot na kinuha ko sa paanan ko. Nanginginig ang buong katawan ko na di ko maintindihan. Merong ngiti na lumabas sa mga bibig ko na dali-dali ring nawala. Kumakabog ang puso ko ngayon na unti-unting nagpapalambot at nagpapainit ng katawan ko.What's happening to me?



      "Uy gumising ka nga Michael. Ano na yung nangyayari sayo? Baka maging baliw ka na sa pinaggagawa mo. Hala ka. Sige ka. Kapag pinagpatulloy mo yan magiging babaliw ka na talaga!!" Sambit ko sa sarili ko na pinupukpok ang ulo ko at nawawala na sa sarili. Am I dreaming? Kung panaginip lang ang lahat ng ito sana magisin na akooo!!!



     Sinabunutan ko yung sarili kong mga buhok sa ulo at parang nababaliw na. Hindi 'parang' baliw kundi baliw na baliw na talaga!



"Tsk."



     Natigil ako sa kinahihigaan ko nang tumayo ang mga balahibo ko at kinabahan nang may narinig akong nagsalita sa loob ng kwarto ko. Ako lang naman ang nandito ah. Oh My Goodness... Sino yun?



     Buti nalang nakatalukbong parin ako ng kumot. Kung hindi nakita na ako nung multong iyon. Hinawakan ko ng mabuti ang kumot baka hilahin iyon ng multo at baka kaladkarin ako papalabas. Creepy.



Nang sandaling iyon may nagsalita.



     "Tumigil ka nga sa ginagawa mo kuya ang likot-likot mo kanina pa akong di makatulog dito dahil sayo! Kung ayaw mong matulog kuya lumabas ka muna! Huwag mo namang gambalain ang natutulog dito. Don't be selfish kuya!" Sigaw ng kapatid ko na hindi ko namalayang nandito pala siya natulog.



     Nakaupo siya sa kanang parte ng kama ko na nakapamewang at mukhang di mkatulog.





     "Ano yung sinasabi mo dyan na di ka makatulog? Sino ba ang nagsabing dito ka matutulog? For your information Otoy kwarto ko to at wala kang karapatan pumasok. Paano mo nasabi na selfish ako? HUH! Gusto mo bang batukan kita diyan?" Nanggigigil na sambit ko sa kapatid ko na walang ginawa kundi mag-ingay at parating nang basag trip. Nag e-emote ako dito eh. Pff..



How Did I Fell For Her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon