Chapter 2 - Lagot

32 2 0
                                    


How Did I Fell For Her
> Lagot

>Michael's POV<

     Nandito na ako sa canteen kumakain ng recess habang iniisip ko kung sino talaga ang babaeng nasunggaban ko kanina.

      Parang hindi ko pa siya nakikita dito at namumukhaan. Napakabilis kasi ng mga pangyayari. Tiningnan ko ang kinakain ko ngayon. Dalawang Chocomucho, buko juice at tinapay na tig lilimang piso ang nakalapag sa lamesa ko.

    Kain lang ako ng kain nang may biglang humawak sa kaliwang balikat ko na ang lapad ng kamay.



"Hey!!"



     Lumukso ang puso ko sa pagkagulat nang may sumigaw sa likuran ko.

     Si Rise Russel Dela Cruz pala.

     Matangkad,matipuno ang katawan,may kagwapuhan at isa sa mga honor rolls ng grade level namin.

     "O pre nag-iisa ka ata dito ah. Saan yung bff mo?". Umupo siya sa harapan ko na may dala ring pagkain.

     "Ah si Sunshine Grace? Ayun nadun parin sa classroom panay sulat ng sulat sa kuwaderno niya. Hindi kasi kaagad nagsulat habang nagdidiscuss si maam."

    Sunshine Grace Tocol. 15 years old at magkaklase kami. Mas matanda siya sa akin ng tatlong buwan. Maganda,maputi,at isa din sa mga honor roll at higit sa lahat ang kulit-kulit. Sabihin mongayaw ko ng ganyan at gawin nito pero pilit siya ng pilit sa akin.
    

     Pagkatapos naming kumain at nagkuwentuhan ay tumayo na ako. Niligpit ko ang pinagkainan sa lamesa ko habang si Rise naman ay nakaupo parin at kumakain.

     "Tsk... Tsk... Ang bagal mong kumain bilisan mo na nga diyan tol baka malelate na naman tayo at sermonan ulit ako ni ma'am."- ako

     "Sige tol mauna ka na. Palagi naman akong maaga sa pagpasok kaya di niya ako papagalitan.". Sabay ngisi niya sa akin at patuloy sa pagkain.

     "May point ka naman diyan tol. O sige mauna muna ako... "-ako

    Pagkatapos kung magligpit ng pinagkainan ay ibinalik ko sa dating kinalalagyan yung pinagupuan ko kanina at kumaway ng patalikod kay Rise.

     May point naman talaga si Rise eh. Napakaaga niyang pumasok at kung tutuusin ay ako talaga ang palaging late sa klase... Ang sarap kayang matulog kapag malamig ang simoy ng hangin,

     Habang naglalakad ako sa Hallway ay nakita ko sina Buds Sunshine Grace Tocol(bestfriend ko) at Sierra Red Fuentes(friend din ni Sunshine and also classmate din namin in short).

     "Oh Sunshine at Sierra saan kayo pupunta?", tanong ko sa kanila na may halong pagtataka.

     "Sa Canteen malamang. Gutom na gutom na kasi ako dahil nagkopya pa ako ng mga aralin kanina."- Sunshine

     "Oo nga eh... Sama ka?", tanong sakin si Sierra na ang saya saya. Di ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Masayahin naman siya palagi pero parang may something ngayon. I don't know why.

Ano kaya nakain nito?



"Hmmm... Pwede ba?"-me

     "Oh sure. Why not."sabi ni Buddy sa akin. Buddy o Buds kasi yung tawagan namin. Simula noong 1st year kami naging bestfriend kami. Transferee lang ako dito sa school na ito noon nung junior high school kaya mga apat na taon lang ang aming pagkakaibigan.

How Did I Fell For Her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon