Chapter 11 -Meet and Greet

21 0 0
                                    



How Did I Fell For Her?

-Meet and Greet

>Michael's Point Of View<





"Magkaklase pala kayo ineng?" Tanong ni mama habang ngumunguya ng pagkain at nakatitig sa aming dalawa. Para kaming nasa interrogation room na panay tanong ni mama sa aming dalawa. Ewan ko nanaman kay mama na to nag-aala detective na naman. May tinatago ba ako sa kanya?



Kasalukuyan kaming nakaupo at kumakain ng tanghalian sa hapag-kainan. Si papa ay nasa gitna naming lahat,sina mama, kuya at ang bunsong kapatid ko ay nasa kanang parte ni papa at kami naman ni Serene ay nasa kaliwa naman.



"Opo tita magkaklase po kami" Masayang sagot ni Serene kay mama na parang matagal na silang magkakilala. Oo. Daig pa ang mag kumare.



"Matanong ko lang ineng. Bakit ka naparito?" Nagtatakang tanong ni mama.



"Ahh. Ehh. P-Pinuntahan ko lang po tita si Michael dito para sa gagawin naming proyekto sa Science para bukas." Wika ni Serene habang ngumunguya ng pagkain.



"Ahh kaya naparito ka pala... Alam mo ba ineng napakabait talaga ng anak kong 'yan. Nagpapasalamat talaga ako sa diyos na may anak akong masipag, maunawain at higit sa lahat mapagmahal"





Nabulunan ako sa sinabi ni mama.



" Ma!!!?.. Tama na po... Nakakahiya!!!" Nahihiyang sambit ko kay mama.



"Abay totoo naman ah... Alam mo ba ineng may ikukwento ako sayo... noong bata pa si Michael ayaw niyang pinapaliguan ko siya kasi *laugh*nahihiya daw na makita an-"



"Ma!!!" Napatayo ako sa kinuwento ni mama. Bakit ba naman sa lahat ng ikukuwento ay 'yun pa? Ang dami-daming pwedeng ikuwento. Pero totoo naman. Shhh.



"Anak easy lang. 'Di ka naman mabiro." Humalakhak silang lahat na parang pinakakaisahan nila ako. Kanina pa silang ganyan. 

Napapaiyak na sina papa at mama sa kakatawa habang ang mga kapatid ko naman ay hindi na rin mapigilang tumawa at napapadyak pa at si Serene naman ay nakatingin sa akin na animoy di makapaniwala.



Nakakainis.



Parang gusto kong umalis sa kina-uupuan ko at iwan silang lahat. Pero wala akong choice kundi umupo at tingnan nalang sila. Nakakawalang ganang kumain. Bat ba kapag may mga bisitang dumating dito sa bahay bakit ako nalang palagi ang pinag-uusapan. Pwede naman si kuya at ang kapatid ko. Pwede naman sila,diba?



Dahil di ko na kayang tingnan sila ay napayuko nalang ako sa kinauupuan ko na kahit isang salita lang na lumabas sa bibig ko ay wala. 



Nakakawalang gana.

Tsk. Bahala kayo diyan.



"Michael? Totoo ba *laugh*?" Napatakip si Serene ng kanyang bibig upang pigilan niyang tumawa ngunit wala... di niya rin mapiigilang matawa. Napahawak na ito sa sa kanyang tiyan.

 Bahala kayo diyan.

Buti pa tong pagkain. tahi,ik at walang imik kesa sa mga kasama kong to tsk.



Napatigil ako sa pagngunguya ng magsalita si kuya.

"*Laugh* Alam mo ba rin Serene kahapon nagmamadaling umalis si Michael. *laugh*Sa sobrang pagmamadali ay di na niya namalayang wala siyang bri-"



How Did I Fell For Her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon