How Did I Fell For Her?
Chapter 14- Secret Place
>Someone's POV<
"Oh? Ano balita?"-1
"Boss nakahanap na po ako."-2
"Buti naman. Oh siya umalis ka na."-1
"Kelan po boss sisimulan?"-2
"Huwag ka ngang atat! Shoo umalis ka na nga!"-1
Sabay tapon ko ng basong hawak-hawak ko pa kanina.
"Sorry po boss."-2. Sabay alis niya sa harapan ko.
>Pillar's POV<
Naglalakad ako patungo sa canteen. Lunch break na at mukhang nagugutom pa rin ako. Di ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit panay ako nang kain. Sa katunayan kaninang recess ay napasabak ako sa kainan kasama si Sierra.
Yes si Sierra.
Ngayon ko lang siyang nakitang malakas kumain. Hindi ako makapaniwala. Sa four years naming magkaibigan ngayon ko lang siyang nakitang ganon. Babae ba siya o lalaki? Ewan.
Habang naglalakad ako sa hallway marami akong nakitang mga estudiyanteng nagkukumpulan sa bandang unahan ko. Ano kayang meron kung bakit maraming tao ang nandoon? Hakbang ako ng hakbang hanggan nakarating ako doon sa kinatatayuan ng mga taong nagkukumpulan. Nakipag-osyoso ako.
"Bess tignan mo oh. Kung ako lang siguro yung babae hindi ko yan sasagutin." rinig ko sa sa isang babaeng binubulungan ang kasama niyang babae.
"Oo nga bess. Alam mo ba balita ko ang dami niyang ex at siguro playboy yan? Tsk mga lalaki talaga."- Sagot din sa kanya ng babae.
Sino naman kaya ang tinutukoy ng dalawang ito?
Dahil sa curiosity ko ay lumapit pa ako ng lumapit at sinisiksik ang katawan ko at nakipaggitgitan. Sa wakas ay nakarating ako sa gitna at laking gulat ko.
WTFudge!
Fjord?
"Huwag mo nga akong hawakan diyan Fjord! Nakakahiya ka!" Sabay tapik ng babae sa kamay ni Fjord ng hawakan niya ito.
"Please Angela comeback." Nagmamakaawang ani ni utol.
"May pa comeback, comeback ka pang nalalaman diyan. FYI Walang tayo at hindi magiging tayo. Napaka-assuming mo!" Sigaw ng babae sa kanya.
"Please 'wag mo kong iwa-". Luluhod na sana si Fjord ngunit...
Pinakawalan siya ng napakalakas na sampal nung babae. Angela ba yung pangalan? Tama ba yung pagkakarinig ko?
Si Angela ay isa sa mga kilala at pinagguguluhan ng mga kalalakihan dito sa school.
Napahawak ng pisngi si Fjord at bahid sa kanyang mukha ang mapulang hurma ng kamay at kahihiyan. Hindi talaga siya natuto sa pinaggagawa niya.Nakakahiya.
Nag-walk out yung babae at si bro nalang ang natira sa gitna. Nagsialisan na rin yung mga ibang estudiyante hanggang kami nalang ang natira sa gitna. Haist Fjord... Fjord... Fjord... Basted.
Nilapitan ko siya sa gitna. Hindi pa rin siya nakaalis sa kanyang kinaroroonan at nanatiling naakaluhod. Ewan ko ba kung matatawa ba ako o tutulungan siyang tumayo.
"Yan kasi di ka seryoso pagdating sa pag-ibig. Yung tigin mo sa mga babae ay isang bagay. Kapag nasira na at pinaglumaan ay iiwan mo nalang ng biglaan. Ayan tuloy.*Laugh*".
BINABASA MO ANG
How Did I Fell For Her?
Roman d'amourSabi nga nila "Love is the most powerful weapon on earth." Kahit hindi mo hanapin ay kusa itong darating nang hindi mo inaasahan. Magpapasaya, magpapangiti at magpapakilig sa bawat umaga at gabi ngunit paano kapag mawala siya? Paano kapag di na naa...