Kabanata III - Chapter 3

27K 704 12
                                    

Chapter 3- Death

Written by yeexizx

Charlie's POV

Nakita ko si Lola Tamara na duguan sa labas ng aming bahay, nakakita ako ng mga nilalang na naka-itim na cloak. Pumunta kaagad ako sa kinaroroonan ni Inang Tamara na gulat na gulat at para bang binagsakan ng langit at lupa.

Ano nanaman 'to!?

Sumugod sa'kin ang mga naka-cloak na itim.

Mga pesteng Darkenians na 'to!

Talagang sinusubukan nila akong magalit. Nagliwanag ang mga pula kong mata, simbolo ng hinagpis at galit.

Nangilid naman ang mga luha ko. "Mga walanghiya kayo! Anong ginawa niyo sa Inang Tamara ko!" galit na galit kong sigaw sa kanila, 'di naman sila sumagot.

Pinagsisipa ko sila at ginamit na ang kapangyarihan ko dahil madami sila at konting oras nalang ang natitira sa akin. Kapag nakipaglaban pa ako rito ng pisikal ay baka 'di na ako umabot kay Inang Tamara.

"Air blades!" sigaw ko.

Itinama ko rito ang aking kamay at pinagbabato sila nito. Natamaan naman silang lahat ang biglang naging abo.

Naubos mo naman ito kaagad. Madaling-madali akong pumunta sa gawi ni Lola Tamara na duguan at nanghihingalo na.

"Inang Tamara! Anong nangyari sa inyo? Bakit nila tayo ginugulo?" natatatanta kong sigaw.

Napahawak naman ang duguan niyang kamay sa braso ko. "C-Charlie, anak ko... Gusto ko lang malaman mo na hindi man ako ang tunay mong ina... Mahal na mahal pa rin kita at hindi ako nagsisising sa akin ka napunta... T-Tandaan mong ikaw ang nawawalang pinakamalakas na p-prinsesa ng mundo ng mahika... Sikapin mong maigi na mahanap ito..."

"Hindi Inang Tamara! Papagalingin kita! Please! Hayaan mo akong buhayin kitang muli!" sigaw ko sa kaniya.

Tiningnan naman ako nito habang nanghihina. "Sapat na ang mga naturo ko sayo. Alam mo nang gumamit ng mga salamanka na tutulong sa'yong lumakas... Mag-spell ka para magkaroon ng lagusan papunta sa akademya. Nandoon sa m-may silid ng ating pinag-eensayuhan, nandoon ang mga libro ng salamanka na bibigyan ka ng dagdag kaalaman, a-anak ko... Nakikita mo ba ang pintuan roon? Alam mong hindi kita pinapapasok roon dahil ayokong malaman mo ang tunay mong pagkakakilanlan, ayokong iwan mo 'ko... Paumanhin kung pinagkait man kita sa iyong mga magulang... Patawarin mo ako anak!" hagulgol niya.

"Ngayon ay pwede kanang humiwalay sa akin, para sa ikabubuti mo, aking anak... Alamin mo lahat, lahat-lahat ng nakatagong bahid ng kasamaan sa kabilang mundo... Malakas ka at naniniwala ako sayo... Paalam, Prinsesa Charlotte... Mahal na mahal ka ni Inang Tamara" 

Hinawakan ko naman ang kamay nito, nagulat ako nang halikan nito ang noo ko. "Nawa'y h-hindi m-mawala ang dignidad sa p-puso mo..." huling katagang tinuran niya bago ipinikit ang kan'yang mga mata at naging isang abo.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon