Kabanata VI - Chapter 6

26.2K 562 54
                                    

Chapter 6- Attacked
Written by yeexizx

Charlie's POV

Discuss

Discuss

Discuss

Hanggang sa nag-bell na. Niyaya naman ako ni Divina na sumama sa mga Royalties. Pumayag naman ako dahil nagmamakaawa siya at marunong ako makisama kahit ganito ako. Akala mo mamamatay kung hindi ako kasama.

Lumabas naman kami at nakita nanaman ang mga estudyanteng nagtitinginan sa'min kanina.

Tsk. Kung dukutin ko kaya 'yang mga mata niyo?

"Hayaan mo nalang sila." Bulong naman ni Divina.

"Ang gwapo ni Coldy ko!"

"Sino 'yang bruhang kasama nila!?"

"Sipsip talaga! Nu'ng una si Princess Divina, sunod ang mga Royalties naman!"

"Such a bitch talaga, ano?"

"Sobrang sipsip nu'ng naka-hood! 'Kala mo kagandahan!"

Nakakatawang isipin sapagkat hindi lang naman ako 'yung naka-hood.

Ilan-ilan sa mga narinig ko mula sa mga estudyante. Napagtanto kong lahat ng 'yon ay walang kwenta at purong paninira lang, kaya dapat hindi pagtuusan ng pansin.

Pumunta naman kami sa cafeteria. Dinumog nanaman sila ng mga nilalang na ito. Nagtitilian nanaman sila ng pagkalakas-lakas dahil sa mga Royalties. Siguro ay sanay na rin ang mga Royalties sa ganito dahil nang tingnan ko ang mga mukha nila, ito ay blangko at walang reaksyon.

Dapat talaga, hindi na 'ko sumama.

"Anong kakainin niyo?" tanong nu'ng Alexander sa'min.

He looks very familiar.

Sinabi nanaman nila ang mga kakainin nila para makapag-order na si Alexander. Tanging ako nalang ang hindi pa nagsasalita kaya napatingin silang lahat sa akin. Napaligoy na lamang ang mga mata ko at sinabi na ang gusto kong kainin.

"Fruit salad, oats, and avocado shake." malamig kong usal.

"Diet naman pala." pang-aasar ni Divina sa'kin.

"You should include proteins in your dietary food." ani Coldy at mahinhing tumawa.

"si Coldy!? First time tumawa!?" pang-aasar naman ni Silky. Sinamaan naman siya ng tingin nito.

"Shut up."

"Weh! Kinikilig kalang e." patuloy na pang-aasar pa rin ni Silky.

"Just shut the fuck up, Silky. You're damn annoying." iritadong saad ni Coldy.

Wala namang umimik, napakunot naman ang noo ko.

"Sorry na! 9 words na ang dami ng mga sinasabi mo! For the first time buddy! First achievement mo 'yan kaya magcecelebrate tayo!" baklang tono ni Silky. Kaya lalo pang lumala ang aura ni Coldy, halatang sobrang napipikon na ito.

"Do you want me to cut your stupid mouth huh?" malamig nitong tanong.

"Luh! Syempre naman hindi! Pero, hindi talaga ako makapaniwala shet! Hihi!" mapang-asar na usal pa rin ni Silky at humagalpak ng tawa.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon