Kabanata XI - Chapter 11

18.3K 418 4
                                    

Chapter 11- Levelling
Written by yeexizx

Charlie’s POV

Ito na ang pinakahihintay na mangyari ng mga ibang estudyante, ang levelling ng bawat seksyon dahil dito malalaman kung ang isang estudyante ay mananatili, bababa, o tataas ang puntos.

Ipinakita na sa isang puting maliwanag na panulatan ang mga magiging rubrics para sa levelling.

50-65 – Beginner section

70-80- Emergence section

85-95- Rare section

100-150 – Royalties section

“Kapag lumagpas ang iyong kapangyarihan sa 150 na puntos ay ikaw ang katatagurian na top 1 ng Arteya Academy.” ani ng Emcee na nagpasigaw sa mga estudyante.

“Tandaan niyong hindi nakabase sa barrier ang magiging puntos niyo. Base iyon sa lakas na tatama sa barrier. Kung mayroon kayong kapareho na barrier na naipatumba at mas mataas ang puntos nito. Ang ibig sabihin nu’n ay malakas ang tumama na kapangyarihan sa barrier.”

Ngayon ay magsisimula na ang mga nilalang mula sa Beginner section hanggang unti-onting matapos ito sa pagdaan ng mga oras. Umabot ng apat na oras ang Beginner section. Ang iba ay nakapasok na sa Emergence section at ang iba ay nanatili pa rin sa Beginner section.

Hindi kalaunan ay nagsimula na rin ang Emergence section hanggang matapos din ito. Ang iba ay nakapasok sa Rare section at ang iba ay nanatili lamang sa Emergence section.

Sunod naman ay ang Rare section, ang iba naman ay bumababa at tumaas ang puntos ngunit walang nakapunta sa Royalties section kahit isa. Nagtaka naman ako nang hindi ako tawagin, kaya lumapit ako sa Headmaster para itanong kung bakit hindi ako kasama. Ang tangi niya lang sinabi ay ako daw ang pinakahuli dahil late na ako nag-enroll.

Ang sabi ng emcee ay walang sinuman pa raw ang nakakabasag sa lahat ng barriers. Ang mga barrier ay may mga stage at ang panghuli o pang-sampu ang pinakamalakas  ang proteksyon. Pag napatumba mo ang pinakahuling stage ng barrier o pang-sampung barrier ay ikaw ang pinakamalakas sa lahat. Wala pa raw ang  nakakaabot ng anim na barrier maliban kay Coldy na siyang top 1 sa levelling noon.

Sumunod naman ang pinaka-inaabangan na sekyon ng lahat nang narito, ang Royalties section.

Mas lalong nag-ingay ang mga estudyanteng nasa levelling room. Ang levelling room ay mas’yadong malaki dahil narito lahat ng estudyante at mga guro sa Arteya Academy.

Ang unang tinawag ay si Silky.

Pumunta siya sa gitna at ipinikit ang mga mata, nakaramdam naman ako ng enerhiya na nanggagaling sa kanya. Hindi ko masasabi kung malakas ba ito o mahina, sakto lang ang kanyang lakas.

Binuksan niya ang kanyang mga mata at naging matingkad na kayumanggi ang kulay nito. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari.

“Wood blades!” sigaw niya at itinama ito sa mga barrier. Isang kahoy na matutulis ang dulo ang lumabas sa kanyang palad.

“Leaf spikes!” malakas na saad niya pang muli at mayroong matutulis na dahon na lumabas sa kanyang palad hanggang sa natapos na siya.

“Congratulations, Prince Silky! You broke 3 barriers and you've scored 136 points. You’re still in the Royalties section.” ma-awtoridad na ani ng Emcee at naghiyawan na may kasamang palakpakan ang mga estudyante.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon