Chapter 8- Training
Written by yeexizxCharlie’s POV
Nagpahinga lang ako buong araw. Nagulat nga ako dahil natulog ako ng alas-nuebe ng gabi tapos nagising ako ng alas-dose. Napagpasyahan kong magluto nalang para sa sarili ko, tutal wala naman si Divina ngayon.
Napagpasyahan kong magluto ng chicken curry. Minsan lang akong kumain at magluto ng ganito kaya susulitin ko na. Kinuha ko na ang cooking guide na nasa loob ng cabinet ng kusina, mabuti na lamang at madami-dami ang mga ingredients na nasa mga cabinet.
Binasa ko ang nakalagay sa libro. “¼ cup oil, 2 medium potatoes, peeled and quartered, 2 large carrots, peeled and cubed, 1 small onion, peeled and chopped, 2 to 3 cloves garlic, peeled and minced, 1 (3 to 4 pounds) whole chicken, cut into serving parts, 1 tablespoon fish sauce, 2 cups coconut milk, 1 cup water, ½ green bell pepper, seeded and cut into cubes, ½ red bell pepper, seeded and cut into cubes, 2 tablespoons curry powder, at salt— lintek na ‘yan! Ang dami palang ingredients nito!” pasigaw na bulong ko sa’king sarili.
Nagsimula na akong maghanap ng ingredients, mabuti na lamang at isa akong prinsesa kaya naman mas napapabilis ang mga kilos ko sa paghahanap ng mga kasangkapan. Hindi kalaunan, natapos ko na ang paghahanap sa mga ingredients ng aking lulutuin, nagsimula na akong gawin ang proseso ng pagluluto ng chicken curry.Hindi nagtagal ay natapos na din ako sa aking pagluluto, tumagal ito ng apat na pung minuto. Nilanghap ko ang mabangong amoy nito at naramdaman ko naman ang kalam ng sikmura ko. Naghanda na ako at nagsimula nang kumain, unang tikim ko pa lamang ay tanging pagkabilib lamang ang aking naramdaman.
“Tss, Charlie… Hindi ko alam na marunong ka palang magluto.” bulong ko sa aking sarili at mahinang humalakhak.
Mukha akong engot, kinakausap ko ang sarili ko.
Kumain ako ng kumain at inubos iyon para magkaroon ng lakas para bukas sa levelling.
Kailangan kong mapapunta sa Royalties para makalaban ko ang mga Darkenians na pumatay sa aking Inang Tamara.
Pagbabayaran nila lahat ng ginawa nila sa akin...
Ang mga Royalties ay nagkakaroon ng misyon na dala-dala ang responsibilidad at pangamba dahil na rin sa mga Darkenians na humahadlang sa kanila. Ngumisi ako nang may maalala akong lalaking na binanggit ni Divina kahapon.
Ang tumatatak lang sa isipan ko ay kung sino ang pinakamalakas at mas may alam sa pakikipaglaban.
“Si Coldy.”
Bakit ko ba iniisip ang lalaki na ‘yon? Alam ko namang mas malakas ako sa kanya kaya wala akong dapat ikabahala.
Tanging pang-aasar lamang ang naiiambag ng lalaking ‘yon sa buhay ko tapos iisipin ko pa siya!?
Natulog na lamang ulit ako dahil kailangan kong maging malakas sa gaganapin na levelling dahil kung hindi ay mababa rin ang porsyentong makapasok ako sa Royalties section.
-
Nagising ako sa isang lugar na maliwanag... At puti lamang ang tangi kong nakikita, wala nang iba pa.
“Nasaan ako...” bulong ko sa’king sarili.
Napabalikwas ako nang may bumulong sa’king mahinhin na babae.
“Prinsesa Charlotte…” bulong sa’kin ng isang babae.
Tumalikod ako dahil doon ko lamang narinig ang pinanggagalingan ng boses. Nang tumalikod ako, bumungad sa’kin ang isang babaeng napakaganda, babaeng d'yosa ang itsura.
![](https://img.wattpad.com/cover/169110883-288-k881690.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...