Chapter 30- Hatred
Written by yeexizx
Yannie's POV
Lumabas ako ng kaharian na malungkot at nagmumugto ang mata. Naglakad-lakad lamang ako at dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin, bahala na kung saan ako mapadpad. Nahagip naman ng mga mata ko si Charlotte na naglalakad-lakad din.
"Princess Charlotte!" tawag ko rito at napalingon siya sa gawi ko. Nginitian niya naman ako.
"Oh... Ikaw pala 'yan, Yannie. What are you doing here?" aniya habang nakataas ang kilay.
Ngumiti ako. "Naglalakad-lakad lang, how about you?"
"Nagpapahangin lang, dinadamdam ko 'yung air parang ganu'n." maarte nitong usal, napahalakhak nalang ako.
"Your eyes seems namumugto, and you look sad. Why?" nag-aalalang tanong nito. Naalerto naman ako. Oo nga pala, kakaiyak ko lang.
Napayuko ako. "W-Wala..." utal-utal kong saad.
Binigyan naman ako nito ng nag-aalalang tingin. "Alam kong meron, so spill it."
"Uhh... Si Marky kasi may g-gusto kay C-Charlie..." nauutal kong tugon. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Si Marky may gusto kay Charlie? Sabi ko na nga ba, tahimik lang siya pero she's slut." konyong usal niya.
Agad akong umiling. Hindi kasalanan ni Charlie kung gusto man siya ni Marky. Labas na ako doon, wala akong karapatan. "H-Hindi siya slut, sadyang nagkataon lang na nagustuhan siya ni Marky..." tumulo naman ang luha ko.
"Hindi pala slut, huh? She's mang-aagaw and bitch, I saw them together na nag-uusap sa sapa. Naka-akbay si Marky kay Charlie. Charlie kissed him." ngising ani Princess Charlotte.
Napatingin ako sa taas ng langit. "Magagalit lang ako sa kanila kung may ebidensya ka, alam kong hindi 'yon magagawa ni Charlie."
Ngumisi lang si Princess Charlotte na ipinagtaka ko. Bakit?
Binuksan niya ang kan'yang palad, mayroong lumitaw doon na isang malaking pangyayari noong nasa sapa sila. Para bang binagsakan ako ng langit at lupa sa aking nakita.
Si Charlie at Marky? Naghalikan?
Bakit? Ang sakit makita...
Simula ngayon, hindi ko na kikilalanin na kaibigan si Charlie. Simula ngayon... Wala na akong kilalang Charlie!
Umalis na kaagad ako nang walang paalam dahil hindi ko na nakaya ang sakit na naramdaman ko. Sobrang sakit, karapa't dapat ba sa'kin lahat ng 'to!? Nagmamahal lang naman ako!
Charlie's POV
Bukas na nga pala magsisimula ang aming misyon. Kailangan ko ng tuwirang pag-eensayo upang makapaghanda sa mga problemang dadalo sa'kin. Nawa, gabayan ako ng Bathala.
Napalingon naman ako sa likod ko nang mayroon akong bulong na narinig.
"Akala nila'y siya'y taksil ngunit ang nagtutuon ay ang katawiraning taksil, kaibigan ay kailangan isakripisyo para sa kasakiman ng pag-ibig." bulong sa'kin ng boses babae na nilalang.
Napakunot naman ang noo ko. "Sino ka?"
"Ako ang maggagabay sa'yo, prinsesa. Hindi mo ako makikita ngayon ngunit makikita mo ako sa tamang panahon, hindi lamang ngayon..." bigla namang nawala ang tunog. Napailing nalang ako sa kawalan. Hindi ko dapat isawalang bahala iyon, pero ano kaya ang ibig sabihin ng tinuran ng babaeng 'yon?

BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...