Kabanata XV - Chapter 15

18K 377 6
                                    

Chapter 15- Hands
Written by yeexizx

Charlie's POV

Nagising na ako. Napatingin naman ako sa orasan, nadatnan kong alas-tres palang pala ng umaga kaya nagpagisip-isip ko na libangin muna ang sarili ko dahil sigurado akong hindi na muli akong makakatulog.

Naalala ko naman ang ginawa ko kay Mafia kahapon, kitang-kita ko ang paghihingalo niya. Bagay lang naman sa kanya 'yon, mas'yado siyang nagpapalamon sa pagmamahal niya kay Coldy at wala nang pakialam pa kung makapanakit, tss.

Just a typical girl na umaasahang magugustuhan ni Coldy.

Nagpalit ako ng damit na pang-ensayo dahil napagpasyahan kong mag-ensayo na lamang dahil wala rin naman akong magawa. Hindi rin makakatulong kung nakatunganga lang ako.

Outfit: Oversized Jacket, Strapless Black Croptop, Black Denim Shorts and Ankle Boots.

Itinali ko na ang hoodie ko sa bewang ko at isuot na lamang ulit kapag pupunta na ako sa klase. Nagsuot na ako ng maskara at lumabas na. Pumunta na ako sa training room, halos wala ring kaestu-estudyante ang nasa hallway dahil madaling araw palang.

Nagsimula na akong mag-ensayo. Sipa rito't sipa doon. Suntok dito, suntok doon. Nag-warm up din ako ng mahigit kumulang isang oras.

Napabalikwas naman ako nang may marinig akong kalabog na galing sa pinto. Nagulat ako nang makita ko siya sa training room, ngunit hindi ko ipinakita ang pagkagulat. Bagkus, sinalubong ko ang mga tingin niyang nakakamatay.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong rito.

"Getting rid of boredom." inaantok na tugon niya.

"I'm also aware that you're here, I'd like to speak with you." pahabol niyang tugon.

Kumunot naman ang noo ko. "Tungkol saan ang pag-uusapan natin?"

"I want to know more about you." aniya.

Napakunot ako. "Huh?"

"Are you deaf? I said I wanna know you." inis niyang sabi.

"Bakit nga? Para saan?"

Napabuntong hininga siya. "So that I can limit my words."

Nakuha ko naman ang punto niya. Marahil, ayaw niya na maulit 'yung nangyari sa amin nu'ng isang araw.

"Okay. Umupo ka." malumanay kong saad rito at umupo sa bakanteng upuan. Umupo na rin siya sa upuan na kaharap ng upuan ko.

"Coldy... Saan ko ba uumpisahan?" kunot-noong tanong ko rito.

Iba talaga ang pakiramdam ko tuwing sa kausap ko 'tong lalaking 'to. Hindi ko maipaliwanag...

Nagkatinginan naman kami ng mata sa mata. "What happened to your mother?"

"Pinatay ng mga lintik na Darkenians." malamig kong usal.

"Why are you such a war-freak then?" he asked.

"Madamay na lahat ng tao, 'wag lang ang ina ko. Kahit din naman ikaw, kapag nadamay 'yung pinakamalapit sa'yo, magagalit ka rin." 

"Like Mafia huh..." halakhak niyang saad.

Tumawa rin ako. "Parang ganu'n na nga. Hindi ko na natiis ang bunganga niya."

"Can you tell me why you always wear a hoodie and a mask?" kalmado nitong tanong na nagpatibok ng puso ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon