Chapter 34- Someone...
Written by yeexizx
Charlie's POV
Nagising ako nang may bumulong sa tainga ko, napalunok ako ng mariin.
"Charlie..."
"Charlie..." bulong sa'kin.
Hindi ko nalang ito pinansin, at mas mainam na hindi na ito pansinin pa. Marahil ay nananaginip lang ako.
"Charlie..." palakas ng palakas ang tawag sa'kin ng may nakikilabot na boses.
Napadilat naman ako. Bumungad sa akin si Inang Tamara na nakatingin sa gawi ko.
"Ina!? Buhay ka!?" sigaw ko rito. Akmang yayakapin ko siya nang tumakbo siya papalayo sa'kin.
Agad-agad akong tumayo at hinabol siya. "Ina? Saan ka pupunta!?" sigaw ko rito ngunit hindi siya sumagot at patuloy lamang sa pagtakbo.
Huminto siya, napagtanto kong nasa liblib na kaming lugar. Liblib na madilim, tanging mga hayop lamang ang nag-iingay. Matatayog ang mga puno, mapanglaw ang gubat dahil na rin sa dilim na du
Nalinglang ako! Hindi siya si Inang Tamara!
Nanlalabo ang paningin ko, hilong-hilo ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong nangyayari, litong-lito ako.
Gusto ko nang humiga at magpahinga. Gusto ko nang takasan lahat ng reponsibilidad ng pagiging prinsesa. Gusto ko nang sumuko.
Bumungad sa'kin ang benteng-pataas na mga Darkenians na nagtipon-tipon.
Tangina! Hindi ko na kayang lumaban...
"Fuck, impostor..." nanghihinang bulong ko.
"Sa wakas nahuli na din kita! Matutuwa ang hari sa aking malaking handog ko para sa kaniya." aniya at malakas na humalakhak.
Hindi ko kakayanin 'to, may itinapat sa'king usok na pampatulog.
"H-Hindi mo ako k-kakayanin!" pautal-utal na sigaw ko sa kan'ya.
Humalakhak muna siya bago ako tiningnan. "Talaga ba? Kung makakayanan mo ang dark petal smoke na itinapat namin sa iyo! Kahit anong potion ang gamitin mo d'yan, hindi ka lalakas pang muli."
"Hayop ka! Sino ka ba!?" sigaw ko sa kan'ya.
Putangina ko, kahit hinang-hina na ako, nagagawa ko pa ding manglaban.
"Ako lang naman ang pumaslang sa ina ng Inang Tamara mo..."
"Ako ang pinakaimportanteng rama ng mga Darkenians. Ako ang asawa ng hari ng mga Darkenians, ako si Tariwa." nakangiting demonyong sabi nito.
"Ako ang kapatid ng Inang Tamara mo!" sigaw niya at humalakhak.
Napalitan naman ng galit ang mukha ko. "Tangina! Ang dami mong sinabi, wala naman akong pakialam."
"Talaga lang? Hindi ka interesado sa pagpatay ko sa sarili kong Ina?" pabalik niyang ngising tugon sa'kin.
"Paano mo nagawa sa sarili mong ina 'yon!?" sigaw ko rito.
"Simple lang... Ikaw ba naman ang balewalain ng sarili mong Ina, sinong hindi mag-aabandona nu'n!?"
"B-Bakit ka naging D-Darkenians?" pautal-utal kong tanong rito.
"Pagiging hindi patas ni ina. Laging si Tamara ang paborito niyang anak, tapos ako? Walang lang sa kan'ya! Mamatay nako't lahat, wala lang sa kan'ya!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...