Additional Chapter

11K 266 33
                                        

Additional Chapter


Written by yeexizx



Divina's POV



Ilang linggo na ang lumipas mula nang mawala si Charlie, ang prinsesa namin. Napaiyak na lamang kami nang sinabi ni Rainasus, ang Guardian ni Charlie na wala na siya dahil isinakripisyo niya ang buhay niya para lamang sa'ming mga namatay.



Si Coldy naman, hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa klase. Matinding lungkot at galit ang naramdaman niya nang malaman niya na wala na si Charlie. Hindi pa rin siya lumalabas sa k'warto niya, minsan ay iniiwanan na lamang namin siya ng pagkain.



Naiintindihan naman naming mga Royalties ang sitwasyon ni Coldy ngayon. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag nawalan ka ng minamahal sa buhay? I loved Coldy so much and it hurts seeing him like that. Mahal niya si Charlie, kaya ano pa ang dahilan para ipagpatuloy ko 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya?



Noong nalaman ni Coldy ang sinapit ni Charlie, kaagad na tumulo ang mga luha niya at napaluhod na lang siya. Hindi kami makapaniwala dahil doon lang siya nagpakita ng kahinaan. Doon ko lang na-realized na sobrang mahal na mahal niya talaga si Charlie.



Ang klase namin ay matamlay kahit bumalik na si Yannie. Masaya naman kami na bumalik siya pero hindi namin maitatanggi na may kulang sa'min. Pati si Yannie ay nalungkot nang malaman niya ang nangyari kay Charlie pati ang pagsakripisyo niya ng kan'yang buhay para lang sa'min.



Ang mga estudyante naman ay na-guilty dahil ang babaeng pinagsalitaan nila ng masama ay ang prinsesa at ang nilalang na nagsakripisyo ng kan'yang buhay para lamang sa pagkabuhay ng karamihan.



Nagulat naman kami nang pumasok si Headmaster sa klase namin, napatigil naman si Ms. Kalifa sa pagtuturo.



"Alam ko namang lahat tayo ay nagluluksa sa pagkawala ni Charlie... Nais kong pumunta kayo sa seremonya bukas kung saan kokoronahan si Charlie bilang isang bayani." nakangiting usal ni Headmaster.



"Iyon na lamang siguro ang magagawa natin para parangalan siya sa kan'yang pagsasakripisyo."



Napatingin naman ito sa gawi ko. "Nais kong pilitin niyong dumalo si Coldy dahil lahat ay dadalo sa seremonyang iyon."



Tumango naman kaming lahat. "Yes, Headmaster. Asahan mong pupunta kami. Susubukan din naming pilitin si Coldy sa dumalo." sagot ko kay Headmaster.



Tumayo naman si Ahri. "But, Headmaster... What if umayaw si Coldy? You see, fresh pa rin ang lahat sa kan'ya." ani Ahri.



Napabuntong hininga naman si Headmaster. "Well if that's the case, we should respect him. Lalabas at lalabas si Coldy kapag handa na siya, 'wag na lamang natin siya madaliin." ma-awtoridad na saad ni Headmaster.



"Noted, Headmaster." tango-tangong tugon ni Ahri.



Napansin naman ni Headmaster si Yannie na nasa likudan. "Oh, Yannie? Kamusta ka na? Pasensya ka na't ganito agad ang bungad sa pangalawa mong buhay."



"Nalulungkot ako dahil sa nangyari kay Charlie, hindi niya deserved lahat ng 'to. Utang na loob ko sa kan'ya ang buhay ko ngayon." nakayukong sambit ni Yannie.



Lumapit naman rito si Marky. Pansin ko sa dalawa na nagiging malapit na sila sa isa't isa. Mabuti naman 'yon dahil nagkakabutihan na silang dalawa. Ipinaliwanag na rin ni Yannie na kaya niya pinatay si Nez dahil isa siyang Darkenian at plano nitong sirain ang barrier ng paaralan.



"Lahat naman tayo ay nalulungkot dahil sa pagkawala ni Charlie na ang prinsesa natin. Kaya nga't napagpasyahan namin siyang parangalan bilang isang bayani ng Arteya at iba pang mga kaharian." nakangiting saad ni Headmaster.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon