Zack's POV
"Florence wala si Kelsey?" tanong ko sa lalaking nagcecellphon sa likod ko
"Ano ba meron sa inyong dalawa? Noon siya naghahanap sa iyo ngayon ikaw naman naghahanap sa kanya."
"Sagutin mo na lang tanong ko."
"Wala pa. Hindi ko alam kung bakit. Sila Angel tanungin mo close sila non e."
Nilapitan ko sila Angel para itanong sa kanila tinanong ko kay Florence.
"Angel alam mo kung asan si Kelsey?"
"Nasa ospital ngayon."
"Weh? Bakit?"
"Sumakit yung dibdib kagabi daw sabi ng mama niya nahihirapan huminga kaya sinugod nila sa ospital. May sakit sa puso yon e."
"Saang ospital daw?"
"Kennedy Hospital. Doon malapit sa Shaw Boulevard. Bakit hindi mo alam? Hindi ba sinabi sayo?"
"Hindi."
Kahapon ang sigla pa non e. Nagpasalamat na lamang ako kay Angel at bumalik na sa upuan ko.
Dumaan ang 8 hours ng hindi ko namamalayan.
Nagcommute ako magisa pauwi. Iniisip kung may nagawa ba ako kahapon. Kasi sa pagkakaalam ko matitrigger lang yon kapag masyadong napagod yung tao e o stress.
Paguwi na paguwi ko nagbihis ako ng pangalis tas nagmakaawa kina mama at papa na puntahan si Kelsey.
Fortunately pinayagan ako nila mama at pinayagan din ako ni papa na idrive na sasakyan ko as long as magiingat daw ako at ipakilala ko si Kelsey.
Nagmadali akong pumunta sa ospital. Passing by each car one by one. Sa pagmamadali ko muntikan pa akong mabangga pero thank God hindi.
Pagkadating ko sa ospital tinanong ko kaagad sa receptionist kung saan yung room ni Kelsey. Nagmakaawa pa ako sa receptionist na sabihin sa akin kung saan room ni Kelsey bago pa niya ibigay sa akin.
"Antagal naman ng elevator o." there's no time to waste kaya tinakbo ko na lang.
3rd floor Rm. 307
As soon as nahanap ko yung kwarto kumatok agad ako tas nakita ko si Kelsey nakaupo hawak hawak ang Origami na binigay ko. Alongside her are her parents and siblings.
"Good evening po. Ako po si Zack Magnus-" natigil ako sa pagsasalita nang pigilan ako ng nanay ni Kelsey
"Alam namin kung sino ka beh. Ikaw yung lalaking gustong-gusto ni Kelsey. Kada gabi puro 'Ma kilala mo si Zack?' 'Ma alam mo ba si Zack...' kaya alam na alam na namin kung sino ka beh. May video pa nga kami nung magkayakap kayo ni Kelsey e." tas pinakita niya sa akin yung video.
Speechless ako.
"Iwanan na muna namin kayo ni Kelsey, beh." tinapik ng tatay ni Kelsey braso ko at nginitian ako ng kapatid na babae ni Kelsey bago pa nila kami iwan magisa ni Kelsey sa kwarto.
"Zack so-" bago pa matapos sa pagsasalita si Kelsey niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sorry hindi ko alam na nasa ospital ka."
"Ok lang. Pinuntahan mo naman ako e."
"Sorry."
"Shhhh. Ok nga lang. Masaya na ako pumunta ka tsaka hindi naman malala nangyari sa akin e."
"Dito lang ako. Hindi ako aalis dito hanggang makalabas ka ng hospital."
"Wag na."
"Anong wag na. Ok lang. Nag-aalala ako e."
BINABASA MO ANG
She's Mine: High school Love Story
RomanceThe story is all about a boy's love story. Kung paano siya nakapagsimula ng bagong simula sa bagong iskwelehan na puno ng mga bagong kasiyahan, kalungkutan, drama, heart break at memorable memories Date started: April 22, 2019 Date finished: Septemb...