12. Trouble Again

8.7K 148 12
                                    

Zack's POV

Sunday passed by as quick as a light na hindi ko man lang napansin na pasukan na naman.

Hinanda ko na mga gamit ko pati yung mga Oslo paper for ESP class.

This time ako ang magsusundo muna kay Kelsey imbes na siya magsundo sa akin.

Ding Dong

"Wait lang!"

Kahit hindi ko na tanungin kung sino yan boses pa lang alam ko ng si Kelsey yon.

Lumabas si Kelsey na hindi pa maayos ang uniform, magulo pa ang buhok at mukhang bagong gising.

Pinipigilan ko na lang matawa para hindi siya mainis.

Habang nagdadrive ako papuntang school nagkekwento siya sa akin nang kung ano ano lalo na yung date namin ayon talaga halos nababanggit na. Kung kelan daw susunod tas kung pwede daw na kaming dalawa lang etc.

----------

Nakarating kami sa school mga 8 am. Pagkapasok namin ng room kinamusta ng mga kaklase namin si Kelsey tas mga lalaki naman nagtatanong bakit ako absent so kinwento ko lahat hanggang masatisify na sila.

Pagdating naman ni Ma'am Herrera kinausap niya lang kaming dalawa ni Kelsey habang pinayagan niya mga kaklase namin na gawin gusto nila kasi daw wala kaming klase until 3 pm klase lang namin ESP class.

Not much to talk about, kinamusta niya si Kelsey and nagthank you sa akin like she's her daughter dahil binantayan ko si Kelsey and also she gave us her phone number which is a bit odd pero incase lang naman daw yon for emergencies.

I asked miss kung pwede gumala na lang muna kami sa labas tutal wala namang gagawin hanggang 3 pm e and fortunately she agreed.

Naglakad lakad kami ni Kelsey sa baba ng campus pero ewan ko ba kung bakit pero I have this feeling na we shouldn't be down here.

I went back to my senses ng makita ko na naman yung mga sigang may gusto kay Kelsey and it seems that nakita rin nila kami dahil ang sama ng titig nung Ethan sa akin.

Napansin ata ni Kelsey na nagkakatitigan na kami ni Ethan dahil pinipilit niya akong hilahin papalayo at eto namang Ethan na to onti onting lumalapit sa amin mga kaibigan niya sa likod sinesenyasan na lang kami na maglakad na lang papalayo kaagad. Mabuti pa mga kaibigan nito mabait.

I don't mind being in a brawl with guys like him kaso may mga tao sa campus at baka masaktan din si Kelsey in the future kapag pinatulan ko yan.

"Hoy kapre!!!" kapre amp

Hindi ko na lang siya pinansin pero taena nakakainis

"Kapreng kasama ni Kelsey pumunta ka dito!"

Bwiset na Ethan to

"Hoy duwag!"

Onti pa masasapak ko na to

"Hoy duwag na kapre tinatawag kita!"

Hindi ko man tingnan pero sure akong palapit sila ng palapit. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa baba dahil sa kakasigaw ni Ethan kainis

"Mapapasaakin din yan si Kelsey, kapre!"

That's it!

Inalis ko kamay ni Kelsey sa braso ko at sinugod si Ethan.

Una siyang nagbitaw ng suntok pero naharang ko gamit kamay ko. Nagbitaw ulit siya ng suntok naharang ko ulit. Now I'm holding both of his hands.

Nung sinubukan niya ako sipain sinipa ko kaliwang hita niya kaya napatumba siya.

Mga estudyante na nanonood sa amin naghihiyawan tapos iba nagtatakbuhan na papalayo. Wala man lang mga guard pero hindi ko na inintindi yon.

She's Mine: High school Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon