Zack's POV
Bumisita kaming pamilya sa lumang tirahan namin.
"Naaalala mo pa tong lugar na 'to, Zack?"
"Ofcourse naman, papa. Dito tayo nakatira dati e."
"E yung playground alam mo pa kung asan?"
"Syempre. Gusto mo ako pa magdrive papunta don pa e."
"Sige lang."
Nakipagpalit ako nang upuan kay papa at ako nagdrive papunta sa park.
Pagdating namin don kinwento ko pa sa kanila ni mama lahat nang mga memories ko don kahit yung nakahawak ako nang tae nang aso.
----------
"Hi, lolo. Hi, lola."
"Zack! namiss ka namin nang lolo mo."
Nagmano ako kina lolo at lola habang kinakain yung gawang brownies ni lola. Her brownies are the best.
"So hanggang kelan kayo dito, Zian?" tanong ni lolo kay papa
"Hanggang mamayang 8 pm lang hi kami, lo."
Nakita ko saglit pagkalungkot ni lolo pero pinalitan niya agad ito nang ngiti.
Sino ba hindi mamimiss anak niya diba?
Nasa sala sila, you know the usual, naguusap lang, kamustahan. Ako nasa may front yard lang ako.
I don't know why pero I feel really relaxed and in peace while sitting on the grass tas just staring at the sky.
Naalala ko yung nga time na nakikipaglaro pa ako kay Ash, yung aso nina lolo at lola, nung bata pa ako dito e.
I'd throw a stick o kahit anong ibato ko tas hahabulin niya. Minsan ibabalik niya sa akin minsan uupo siya sa tabi ko at ngangatngatin yon hanggang magsawa siya.
Sadly, Ash passed away a few days bago kami lumipat nina mama dahil matanda na si Ash.
Thinking back to the old days, pinipigilan kong maluha dahil bigla ko na lang namiss si Ash.
Wanting to see our old bonding spot namin ni Ash tumungo ako sa dog house niya, pero hindi yon yung usual na dog house ah.
Dog house ni Ash kasing laki nang kwarto ko e. Kama ni Ash ang laki din tapos there's still the rubber bone na lagi naming pinagaagawan namin ni Ash nung bata ako.
Humiga ako sa kama ni Ash pagkatapos ito pagpagan. Anlambot pa rin. Kama ko noon kahit 2 buwan ko lang hindi magamit ewan ko ba kung bakit pero tumitigas.
After a while. I took one last look around bago bumalik sa loob. Hindi pa rin sila tapos magusap.
Nagpaalam ako sa kanila kung pwede ako gumala pumayag naman sila basta daw bumalik ako bago maggabi at tawagan na lang sila kapag naligaw ako.
"Seriously? Naaalala ko pa lahat nang pasikot-sikot dito. Rest assured na uuwi ako bago maggabi."
Bumalik ako don sa parke na pinuntahan namin kanina. Andami ko talagang masasayang experience sa lugar na to.
Umupo ako sa bench at pinagmasdan mga batang naglalaro. Naaalala ko na ganyan din ako nung bata ako, mas mataba nga lang.
-----4:30 pm-----
Wala ng natira na bata sa park tanging ako na lang at mga galang hayop andito ngayon.
Ding
Tiningnan ko phone ko at binuksan yung message, si Kelsey pala.
'Zack asan ka ngayon?'
'Wala ako sa bahay ngayon. Bakit?'
'Nagtatanong lang. Wala akong magawa dito sa bahay boring e.'
'Andito kami sa bahay ng lolo at lola ko'
'Weh? Musta naman?'
'Fun. Andami kong naaalalang memories dito.'
'Awww must be nice. Kwento mo sa akin pagbalik ah.'
'Opo.'
'Miss na kita.......'
'I miss you too.'
'Ano ba kasi meron sa iyo at lagi kitang namimiss?! *insert crying face*'
'Ewan. Ayan nga dapat tinatanong ko sa iyo e. Lagi din kita namimiss e.'
'Mahihirapan tayo nito sa College kapag naghiwalay tayo nang school.'
'Hindi yan. Pwede naman kita bisitahin e.'
'Sweet. Maghahanap na lang ako nang gagawin dito. Ingat kayo sa paguwi ah.'
'Sana may mahanap ka hahahaha and also thanks.'
I'm guessing na naghahanap na siya nang gagawin dahil nagsend na lang siya nang heart emoji. I find it kinda cute lol
Naglakad lakad ako saglit dahil ansakit nan ng pwet ko kakaupo.
While walking I passed by the tree that I used to climb when we're playing Langit - Lupa.
This place really brings back memories, alam ko ilang beses ko na sinasabi yan.
-----6:00 pm-----
Nakabalik na ako nang bahay at tinutulungan na maghanda si lolo nang hapunan.
Kung si lola masarap magluto nang desserts si lolo naman masarap magluto nang meals mismo. Lalo na yung kare-kare.
"So musta naman pagaaral mo, Zack?" tanong ni lolo
"Maayos naman po, lo. Nasasanay na rin ako kahit papano sa bagong school ko."
"Mabuti naman. Alam mo ba yung mga kaklase ko noon laging andito sa bahay dati tinatanong kung andito ka."
I feel bad dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanila bago kami lumipat
"Hindi rin po kasi ako nakapagpaalam non."
"Okay lang yan. Tawagin mo na sila para makapaghapunan na tayo. Antagal din nating hindi nakapaghapunan nang sama sama."
Ginawa ko utos ni lolo at tinuloy naming pamilya kwentuhan namin sa lamesa.
----------
8 pm came at nagpaalam na kami kina lolo at lola.
Hiniling nila na bumalik kami sa ibang araw at pumayag naman sila papa kaya natuwa din ako.
I kissed them goodbye at sumakay na ako sa sasakyan.
Hi guys. Last day na nang exams namin tomorrow yey. Then the next day it's our Christmas party🎉 I just feel like sharing it to you guys😁 Thanks for the support at since there's 2 days left till vacation I'll be back to being the usual active author woot-wooooooot😂
BINABASA MO ANG
She's Mine: High school Love Story
RomanceThe story is all about a boy's love story. Kung paano siya nakapagsimula ng bagong simula sa bagong iskwelehan na puno ng mga bagong kasiyahan, kalungkutan, drama, heart break at memorable memories Date started: April 22, 2019 Date finished: Septemb...