10. Back To Normal

9.2K 129 12
                                    

Kelsey's POV

Tinutulungan ni Zack si papa magayos ng gamit namin dahil pwede na raw ako makauwi. Binigay naman ng Doctor kay mama mga dapat kong inumin, kung ilang beses at anong oras.

"Pwede na po ba ako pumasok ulit?" tanong ko sa doctor

"Oo pwede na. Basta wag masyadong magpastress." payo niya sa akin bago lumabas ng kwarto

"Narinig mo sabi ng Doctor ah. Bawal masyadong magpastress." ulit ni mama

"Opo."

"Zack diba may kotse ka?" tanong ni papa kay Zack

"Opo meron po."

"Pasabay muna kami. Mahirap magcommute kapag andaming dala e."

"Sige ok lang po."

"Salamat. Lagay na natin to don sa sasakyan mo para pagbaba si Kelsey na lang ang hawak mo. Diba, Sey?"

"Papa naman."

"Ganyan ganyan ma kinikilig ka naman."

Sinamahan ni Zack si papa bitbitin mga gamit namin habang ako naman nakaupo lang sa kama hinihintay matapos sila mama maghilamos.

Nagbabasa ng Harry Potter sa tabi ko si Katherine ako naman nakikibasa na rin.

"Kelsey hintayin na lang natin si Zack at papa mo bago tayo umalis. Siguraduhin mo na wala kang makakalimutan bago umalis ah."

Inisip ko kung may nakakalimutan pa ako at bigla kong naalala yung origami na binigay ni Zack sa akin nilapag ko don sa lamesa.

Mabuti pinaalala sa akin ni mama yon kundi naiwan ko pa isang bagay na mahalaga sa akin.

"Ok na po, ma. Wala na akong nakalimutan."

Dumating sila papa after 15 minutes. Nag check out na kami tas nagbayad ng mga babayarin at sumakay na kami sa sasakyan ni Zack.

Nasa unahan ako katabi ni Zack. Nasa likod naman sila mama.

"Ok ka na?" tanong ni Zack

"Oo ok na."

Iniabot ni Zack sa akin jacket niya para hindi ako ginawin which I think is sweet.

Binuksan ni Zack Bluetooth ng sasakyan niya at cinonnect sa cellphone niya.

"Ikaw pumili ng kanta."

"Bakit ako?"

"Wala lang. Gusto ko lang."

Tiningnan ko playlists ni Zack. Andami. Bumili ako sa classic, piano, romance, all-around.

Pinili kong playlist yung all-around at binalik na kay Zack yung cellphone niya.

Naunang nagplay na kanta yung Sana by I Belong to the Zoo.

"Ilang taon ka na ba, Zack?" tanong ni mama

"15 po."

"E bakit pinapayagan ka na magdrive?"

"Pwede na raw po e."

"May lisensya ka na?"

"Opo."

"Dapat 18 ka na para magkalisensya ah."

"Student driver po."

"Makes sense. Mabuti pinapayagan ka na ng mga magulang mo magdrive."

"Pala gala daw po kasi ako kaya pinayagan na ako nila mama tsaka nung nagdadrive po kami marunong na raw po ako e tapos pumasa din po ako sa dirver's test pero wag pa rin daw po ako masyadong kompyansa kapag nagdadrive dahil baka daw po kasi madiskrasya ako e."

She's Mine: High school Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon