Hi, Hoodies before anything else gusto ko lang itanong kung ano gusto niyo itawag ko sa inyo. Hoodies na lang ba o gusto niyo pa ng iba? Suggest kayo sa comments then I'll choose😂
--------------------
Zack's POV
Nagpalit agad ako ng damit pagakatapos ko magjogging.
Knock Knock
"Bakit po, Tita?"
"May pinapasabi parents mo, beh?"
"Ano po yon, Tita?"
"Ngayong Sabado babalik na raw kayo ng Canada kasama Lolo mo at mga pinsan ko."
"Huh? Bakit po?"
"Hindi na sinabi sa akin kung bakit. Tawagan mo na lang daw sila kung may tanong ka."
"Tatawag po talaga ako, Tita. Thanks po."
"No prob pahinga ka na muna ulit."
Why all of a sudden? Dahil ba yon sa pagkawala ni Lola? Haish
Napatingin ako kay Kelsey at tumabi sa gilid niya.
Dahan dahan kong inihiga ulo niya sa hita ko.
"I don't want to leave my girl. Haish. Ang hirap naman nang ganito."
Hinimas himas ko buhok ni Kelsey habang nagiisip kung paano ko sa kanya sasabihin yon.
"Long-distance relationship ugh."
"Walang magagawa pagmumukmok mo, Zack."
Napatingin ako bigla kay Kelsey. Gising na pala siya. Wait? So Narinig niya lahat?
"Kelan ka pa gising?"
"Kanina pa."
"So you already know?"
"Opo."
Hinawakan niya kamay ko at nilagay sa pisngi niya.
"I can't go with you, Zack. You know that naman. Kaya natin yung long-distance relationship. As long as may tiwala tayo sa isa't isa walang mangyayari. I trust you alot kaya at I know na you trust me naman. I won't break your trust."
"Hindi pa nga ako umaalis eh parang pinapaalis mo na ako."
"Sinasabi ko na kasi alam ko sa araw ng alis mo hindi ko na masasabi yan."
Tinulungan ko umupo sa kama si Kelsey.
"Kita mo tong kamay ko, Zack?"
"Opo."
"Eto sasampal sa'yo kapag nalaman kong nakikipaglandian ka sa iba hmph."
"Hindi ah. I promise, love."
"Love daw."
"Ayaw mo?"
"Gusto po."
"Then I'll call you that na."
"Yon na lang din tawag ko sa'yo."
I leaned forward, leaning my forehead on her forehead.
"I love you, Kelsey."
"I love you too."
Hahalikan ko sana siya kaso bigla niya akong hinampas ng unan.
Hinampas ko rin siya ng unan hanggang matapos sa kaming dalawa nakahiga sa kama nagtatawanan.
"Panira ka naman, Love."
"Blehhh."
Hinalikan niya ako sa pisngi at dumiretso na ng banyo.

BINABASA MO ANG
She's Mine: High school Love Story
RomanceThe story is all about a boy's love story. Kung paano siya nakapagsimula ng bagong simula sa bagong iskwelehan na puno ng mga bagong kasiyahan, kalungkutan, drama, heart break at memorable memories Date started: April 22, 2019 Date finished: Septemb...