38. Official

1.7K 34 12
                                    

Zack's POV

6 am pa lang nang umaga bumiyahe na ako sa destination ko.

Nagpaalam na ako kay tita at nasabi ko na rin sa kanya mga plano ko sa araw na'to.

Habang nagdadrive ako kausap ko sa cellphone si mama about sa dinner namin later.

Pagkatapos ko tawagan si mama tinawagan ko naman si Stephen, kaibigan ni papa, about yon don sa ibibigay ko kay Kelsey.

------------------

"Sir here it is. The gift that you requested. We've already craved all the words that you wanted to say in the gift."

"Thanks, Stephen"

"Nasunod ba yung nasa form, Stephen?"

"Yes, Sir."

"Ok. Great. Thanks sa tulong niyo."

"The pleasures all mine, Sir."

Pagkatapos ko iyon icheck ay nagpasalamat ulit ako at umuwi na.

Dumaan muna ako saglit sa McDonalds at bumili nang almusal namin para hindi na magpapakahirap magluto si tita. Na text ko na rin siya about dyan kanina.

-----------------

Mga 9 pm na rin ako nakauwi at sakto paguwi ko gising na sila Tito, Tita at Katherine si Kelsey na lang hindi.

"Kami na mag-aayos nang almusal, Zack. Gisingin mo na si Kelsey."

Dumiretso ako sa kwarto at dahan dahan ginising si Kelsey.

"Love gising na, Love."

"Mhmm."

"Aalmusal na tayo, Love."

"Mhmmm. Goodmorning, Love."

"Goodmorning." hinalikan ko siya sa noo at tsaka ko siya nginitian yakap naman ang nakuha ko sa kanya.

"Nagenjoy ako kahapon sa date natin, Love. Thanks."

"That's good to know."

Naghilamos na muna si Kelsey at dumiretso na kami sa hapagkainan pagkatapos.

Kinwento namin tungkol sa date namin kahapon ni Kelsey habang kumakain at nagsheshare naman sila Tito at Tita nung experience nila nung time nila.

Matatapos na kami kumain nang biglang nagtanong si tito.

"Bukas na pala flight niyo, Zack noh?"

"Opo, Tito."

Napatingin kami saglit kay Kelsey nang ibagsak niya kutsara't tinidor niya.

"Tapos na po ako kumain." at dumiretso na sa kwarto niya si Kelsey. Nagpipigil siya umiyak.

Pumaling tingin ko kay tita. Sinenyasan niya ako na sundan ko si Kelsey.

"Ikaw kasi bakit ngayon mo pa tinanong."

"Gusto ko lang malaman sorry na."

"Haish."

Nilagay ko plato ko at ni Kelsey sa lababo tsaka pumanhik sa kwarto.

-------------------
Kelsey's POV

Bakit ganon? Akala ko ba kaya ko na? Kala ko ba ok na huh? Pero bakit ganon? Nasasaktan pa rin ako.

"Kelsey papasok ako."

Nagtakip agad ako gamit yung kumot ko kasi ayokong makita ako ni Zack na umiiyak ulit.

"Love."

Please, Zack. Wag.

She's Mine: High school Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon