21. Zack's Condition

6.3K 91 5
                                    

Kelsey's POV

Nasa sala si mama kausap parents ni Zack.

Si Zack naman andito sa tabi ko natutulog nang mahimbing.

Ang init pa rin ni Zack na kakailang lagay na ako nang basang panyo sa noo niya e.

Nagsearch ako sa Google kung ano pwedeng gawin kasi ngayon lang ako nakakita nang tao na nagsuka na may kasamang dugo e.

Sinabay ko na rin kung paano yon magagaling para gumaling agad si Zack

Knock knock knock

"Hi, Kelsey. Susunduin lang namin si Zack. Nabalitaan ko sa mama mo nangyari kay Zack kami na muna magaalaga sa kanya pahinga ka na may pasok pa kayo bukas." ginising ni tita si Zack at bumaba na

Sinundan ko sila hanggang sa Gate at tiningnan sila makaalis.

"Sey ok ka lang?" tanong ni mama

"Onti lang, ma."

"Gagaling din yan si Zack. Pagdasal na lang natin."

"Opo."

Bumalik na ako sa kwarto ko at ginawa mga assignment namin.

Mukhang hindi na naman makakapasok bukas si Zack.

Nabalitaan ko na champion section namin sa Basketball at 2nd place naman sa volleyball which is not bad considering na isa kami sa under dogs nang year level namin.

Nakilala lang section namin dahil kay Zack e kasi hindi naman talaga gaanong talented section namin.

----------

Knock knock knock

Ugh sino naman kaya to? 1 am na

Knock knock knock

"Eto na po!" sarap na nang tulog ko e

Binuksan ko pinto ko at nakita ko si mama.

"Promise me Kelsey na you won't do anything stupid after this ok?"

"Promise." kung anoman yon

"Pero ano-"

Hindi na niya ako pinatapos inabot niya na lang sa akin cellphone niya.

"Hello?"

"Hi, Kelsey. Si tita Athena mo to."

"Hi po, tita. Bakit po bigla kayong napatawag?"

"Kasi ano Kelsey e. Hindi makakapasok si Zack ngayon nasa hospital kami ngayon. Chinecheck na ngayon nang doctor si Zack as we speak pero hindi namin alam kung hanggang kelan siya wala pakisabi na lang sa teacher niyo at kung pwede pasulat nang mga assignments niya. Rest assured na gagaling si Zack, Kelsey."

"Tita seryoso po?"

"Kelsey naman mukha ba akong makikipaglokohan lalo na kung ganto?"

"Nabigla lang po ako tita....."

"Dont worry gagaling si Zack. Dapat siyang gumaling."

"Ano po bang nangyari?"

"Paguwi na paguwi namin nagsuka agad si Zack tapos may halo pang dugo kaya nataranta ako papa niya naman tinawag agad ninong ni Zack dahil doctor siya. Sabi niya baka daw ulcer o kaya napressure yung ugat sa throat ni Zack habang nagsusuka kaya may dugo pero hindi daw sure guess lang daw."

"Ok po, tita. Kung may kelangan po kayo andito lang po ako sabihin niyo lang po."

"Salamat Kelsey at kung gusto mong bisitahin si Zack dito kami sa hospital na pinuntahan mo rin noon."

She's Mine: High school Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon