LOVE#1: Ganito nalang ba tayo?

302 8 0
                                    

LOVE#1: GANITO NALANG BA TAYO?

Eto na naman ako..

Iniisip siya...

Alam ko crush ko na sya. Pero hindi ko sigurado baka kasi LOVE na pala.

Ganito lang kasi ako palagi eh. Kapag nandyan siya, makukuntento na ako sa pagtingin sa kanya. Pagsulyap na hindi niya nakikita.

Minsan nga mukha na akong t*nga eh, kinikilig kapag nakikita ko sya. Naglulupasay kapag napalingon sya sa direksyon ko kahit hindi ko alam kung nakita ba talaga niya ako.

Sa simpleng ngiti niya kahit na hindi para sakin, napapangiti na rin ako. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at masyado akong kinikilig...

typing...

BRYAN SARMIENTO

searching for Bryan Sarmiento

results found

hinahanap ko kasi ngayon yung account niya sa facebook. Alam mo na, gawain ng mga may lihim na pagtingin...

MAG STALK SA FACEBOOK NG MAY FACEBOOK!

Eh anong magagawa ko? Hanggang dito lang ang kaya kong gawin eh. Pag kasi nakikita ko sya, nahihiya na kagad ako.

Kelan kaya kami magkakakilala ng personal? Kelan ko sya malalapitan? Kelan ko sya makakausap?

Ang daming tanong, pero hindi ko alam kung kelan masasagot lahat.... at kung masasagot nga ba...

Haay Bryan...

Kailan mo ba ako mapapansin?

***

"Cassy, may itatanong ako sayo." magkasama kami ngayon sa byahe papasok. Lagi kaming magkasabay kasi pareho naman kami ng pinanggagalingan eh. Katamad kaya magbyahe mag-isa. Nakakapanis ng laway. eeww!!! HAHAHA

"ano na naman yan? si Bryan na naman noh?!" may pataas taas pa ng kilay ang bruha.

"alam na alam mo na talaga ha?! HAHAHA. Oo eh, tungkol ulit sa kanya. Kasi kahapon, hinanap ko yung account niya sa fb, nakita ko naman kaso nag-aalangan ako kung iaadd ko. Baka kasi kung ano namang isipin nun eh. Tsaka nahihiya ako. hehe"

"edi iadd mo! Wala namang masama dun noh! Uso naman facebook. Pag tinanong ka kung bakit mo sya inadd, edi sabihin mo 'eh gusto kitang iadd eh! wag ka nang magtanong iaccept mo nalang!' WAHAHAHAHA"

Sabi ko nga hindi nalang ako dito magtatanong eh. Walang matinong isasagot sakin tong babaeng to eh. Pero sabagay, totoo naman yung sinabi niya diba? Wala naman talagang masama kung iaadd ko sya.

 Sige, mamayang gabi iaadd ko na talaga sya. Sana iaccept niya...... T^T

Buong maghapon, wala akong naintindihan sa discussion. Lumilipad na naman kasi yung isip ko, sabayan mo pa ng walang kwentang subjects.. puro minor lang kasi ngayon. Oh diba? Sinong sisipagin dun? HAHAHA. Ang bait kong estudyante noh? Well, kahit naman ganito ako, di naman ako nagkakaron ng failing grade noh!

Haay naku. Pag kaya inadd ko si Bryan iaaccept niya yung request ko? Pero hindi naman sya masyadong suplado eh, siguro iaaccept niya yun.

***

Sa wakas uwian na! Excited na akong umuwi para makapag-online.

Bryan Sarmiento

ADD AS FRIEND

Friend Request Sent!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!! Naclick ko na talaga.... Chill lang Maggie, hintayin mo nalang kung kailan ka niya iaaccept.. ^____________^

***

Ilang araw na akong naghihintay sa fb account ko kung iaaccept ba ni Bryan yung friend request ko. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagreresponse...

Ayaw niya kaya?

Ay hindi! Siguro hindi palang siya ulit nag-oonline kaya ganun..

Tama! ganun lang siguro yun....

Iaaccpt din ako nun! Tiwala lang! ^_^v

"Cassy, tingin mo nakita na niya yung request ko?" tanong ko kay Cassy. Magkasama na naman kasi kami ngayon, tsaka kasama rin namin yung isa ko pang friend, si Hyacinth Karissa Mendoza.

"Naku Maggie, wag mo na kasi masyadong intayin yun. Baka mamaya eh magsuicide ka dyan pag di niya inaccept yang request mo!" sabat naman ni Karissa. Grabe! Ang laking tulong talaga nila eh noh?! Tsk

"ay naku! Ano ba yan! Mga kaibigan ko ba talaga kayo? HAHAHA"

"aba oo naman! kaibigan mo nga kami kaya sinasabi namin sayo lahat ng possible na mangyari. Di yung puro positive. Tara na nga kumain nalang tayo!" sabi ni Cassy.

"ay gusto ko yan! Tara kain na nga lang. Di naman ako tataba dyan sa lovelife mo Maggie. HAHAHA" ginatungan pa ni Karissa. Takaw talaga nitong dalawang to.

(Author: ay bakit Maggie!? di ka matakaw? HIYA NAMAN AKO SAYO!!)

tse! shettap author! oo na matakaw na tayong lahat.

(A: good! oh sya, ituloy na ang kwento.. ^___^)

So ayun nga, kumain nalang kami. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Bryan...

Grabe ba? Para na ba akong baliw? hahaha. hindi naman..

Siguro ganito lang talaga kapag may kinakikiligan...

Matagal na rin kasi simula nung huling kiligin ako ng ganito...

Namiss ko yung feeling na konting galaw niya lang kinikilig na ako. Kaya siguro ganito ako, hindi sya maialis sa isip....

Pero hanggang ganito nalang ba talaga?

Ni friend request hindi niya matanggap????

 ------------------------------------------------

VOTE and COMMENT :))

A love to lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon