LOVE#3: Ako nalang…
Here I am, still waiting…
Nagbabakasakali na may pag-asa pa kahit na malayo na siya sakin. Kakaiba naman kasi ang tama ko sa kanya. Dati naman nagkakagusto ako pero hindi umabot sa point na ganito, yung malulungkot ako ng sobra kapag hindi ko siya nakikita.
Simula nung umalis siya, sabi sakin ng mga friends ko na nawala daw yung “glow” sa mukha ko. Yung hindi na daw ako blooming…
“oh Bhez, napatawag ka? Kamusta na?” bigla bigla kasing tumawag sakin si Nerissa Lagdameo, Nhek for short. Bestfriend ko sya simula pa highschool. Alam din niya lahat ng sentimyento ko about kay Bryan. Aba syempre naman! Bestfriend nga eh.
(Magkita naman tayo, punta tayo kahit Rob lang. Baka mamaya eh nagsusuicide ka na dyan sa sobrang depression. Mag-ayos ka na. Kakatok nalang ako sa pinto niyo tapos gora na tayo.) Sagot ni Nhek sa kabilang line. Magkalapit lang din kasi kami ng bahay kaya okay lang kahit basta bastang lakad lang. Ayoko pa nga sana kaso medyo matagal na rin naman kaming hindi nakakapagchikahan, puro sa text lang kaya pumayag na rin ako.
Pagdating namin sa Robinsons, kumain muna kami sa Greenwich, para magchikahan na rin habang kumakain.
“buti buhay ka pa noh?” Tignan mo tong si Nhek, ang ganda ng bungad sakin diba? Parang yung tropang college ko lang eh.
“oo naman! Pero alam mo bruha, nalulungkot pa rin talaga ako eh.”
“susmiyo naman! Kailan pa ba nakaalis yun? Ang tagal na ha? 2months na ata o mahigit pa. Umayos ka nga! Para kang girlfriend na iniwan eh. Marami pa dyang iba noh!” haay Nhek, kung ganun lang kasi talaga kadali yun eh. <///3
Siguro nga hanggang dun nalang kami. Actually, wala palang KAMI. Ang tanging meron lang, AKO. Ako na umaasang minsan mapapansin niya rin ako…
Maybe I should really forget him..
Everything about him…
This time, I’ll think about myself.
Magfofocus nalang ako sa ibang bagay na mas importante pa kaysa sa kanya…
Tama! Ganun na nga lang gagawin ko…
After naming kumain, nag-ikot ikot lang kami saglit tapos umuwi na rin. Ganun lang naman gawain naming magbestfriend eh. Kain, chikahan, ikot konti, uwi.
***
AFTER 3MONTHS…
“Cassy! Karissa! Natatandaan niyo si Kyle?” as usual, nasa school kami ni Cassy. May pasok na naman kami.
“Kyle? As in David Kyle Lopez?” tanong sakin ni Karissa.
“oo yun!”
“oh anong meron sa kanya?” sabat naman ni Cassy.
“eh kasi lately, nakakatext ko siya, nakakakulitan, yung mga ganun…”
“eh ano ngang meron sa kanya? Ayaw pang deretsuhin eh! Just go straight to the point na nga! HAHAHA” sabi ni Cassy. Tignan mo tong loka lokang to. Masyadong atat.
“kaya nga eh! Pinagtatagal pa! Naku Maggie..” ginatungan pa ni Karissa. Hindi talaga makapaghintay pareho eh. Tss.
“I have this feeling kasi na parang may something sa kanya. Yung parang nagpaparamdam siya. Basta, I’m not really sure pa naman pero kasi diba? Instinct ng girls eh hindi nagkakamali.”
“ikaw naman kasi, masyado kang naloloka dyan sa pag-alis ni Bryan eh meron naman talagang iba pa na nakakapansin sayo. Malay mo si Kyle lang pala yung hinihintay mo.” Sermon na naman sakin ni Karissa.
Lubog talaga ako sa dalawang to pag sila kausap ko eh…
Pero totoo naman, may point si Karissa dun…
KYLE’S POV
(it’s my first time to write a POV of a guy. HAHAHA. Sana lang magawa ko ng tama… ^__^)
Eto na. Nakakausap ko na siya, nalalapitan, nakakatext…
Ang tagal kong hinintay tong chance na ito.
Para kasing hindi siya yung type ng babae na naghahanap ng boyfriend. Yung tipo niya kasi, parang kuntento naman siya sa mga kaibigan niya.
Pero I will not let this chance pass by. Kailangan ko nang gumawa ng move bago pa ako maunahan ng iba.
GUSTO KO SIYA…
GUSTO KO SI MAGGIE…
Hindi ko lang alam kung paano sasabihin at paano iapakita sa kanya.
Kapag nagkakatext kami, dinadaan ko nalang sa mga pick up lines.
Takte. Hindi ako sanay sa ganito eh. Ayoko ng nagpapakacheesy. Ang bading ng dating.
Pero anong magagawa ko, gusto ko siya eh.
Kaya kahit magpakacheesy ako, okay lang, basta sa kanya.
Sana lang mapansin niya ako.
Maitext nga. Kakamustahin ko lang…
To: Maggie
Kamusta?
SENT!
Magrereply kaya siya?
1 Message Received
Uy sumagot!
From: 4438
MyRewards MyGlobe: You have 28.50 points as of **/12/20**. Redeem rewards now! Text ITEMS to 4438 to check the rewards u can get. No advisories? Reply STOP
Takte! Excited pa man din akong tignan akala ko si Maggie na. 4438 lang pala.
*TOOT TOOT*
1 Message Received
Ayan! Sana naman si Maggie na.
From: Maggie
Aus lng nmn. Ikw b?
To: Maggie
Aus lng dn. Nga pla,my mapa kb?
From: Maggie
Huh? Mapa? Aanhin mo nmn? Bkt?
To: Maggie
Pwd bng pkituro nmn skn ang daan papunta jan s puso mo?
From: Maggie
BWAHAHAHA. Bumenta skn un ha! Akla ko tlga kylngan mo ng mapa eh. HAHAHA.
Haay Maggie..
Kung alam mo lang kung gaano ko hinihiling na sana mapansin mo rin ako…
Pag nakikita kita sa school, naiisip ko na sana may lakas ako ng loob para lapitan ka...
Ang torpe ko ba?
Di ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Sa kanya lang naman. Kay Maggie lang...
Kaya alam ko, gusto ko talaga si Maggie...
Kailan mo ba ako mapapansin?
Meron na bang tao dyan sa puso mo at palagi ka nalang tumatawa sa mga sinasabi ko?
Palagi mong iniisip na biro lang lahat ng yun?
May gusto ka na bang iba?
May mahal ka na ba?
Meron pa ba akong pag-asa?
Kung wala ka pang mahal…
PWEDE BANG AKO NALANG?
------------------------------------------------
VOTE and COMMENT :))
BINABASA MO ANG
A love to last
Short Storyit's just a short story.. story to ng friend ko kaya naisipan kong isulat.. wala lang.. all of us kasi are guessing kung ano ang kahihinatnan ng love story nila... so i'll make my own ending in this story.... will it be happy or tragic???